Monday, May 25, 2009

MUSIKA

Indak; hatid
sa kaluluwang ligalig.
Ang isipan pinalaya
sa palikurang daigdig.
Pikit-matang sasalubungin
ang himig mula sa hangin.
Di hahayaang wakasan
halina't sa puso manahan.


Inalsa itong kanang kamay
kampay sa musikang taglay.
Pinayapa itong kamalayan
ginising ang katotohanan.


Sigaw ngunit di madidinig
ng sino man.
Pagkat sa puso'y kinulong
at sa mata'y mamamasdan.
Mula sa usok na sinamyo
at sa musikang kalaguyo.
Higit pa sa isipang lumayo
at sa gilid ng bangin tumayo.

Sunday, May 24, 2009

FOLK DANCE


An omnibus severe elegant of lightning
create a thousand pebbles that smell an agony.
For the tree that count terrible, bourgeois
for something cloud inside an omnipotent creation.
Vastness of three cubic silver, inside a separate glass
that boost all the charity of turning wheel.
The brightness of dim room with flower,
morbid, ancestor of primer in a blank bank.
Creator?
Call ambulance and post the vacancy of shadow.
Intelligence absurd, turned into a massive fog.
A clown with hat, crying for a finger holding ass.

Me...
You...
Are a sewing machine in a circular parabola,
hemisphere from universe, blackhole with
cockroach.

Call For Submissions - Philippine Speculative Fiction V

Details:

Editors Nikki Alfar and Vin Simbulan are now accepting submissions of short fiction pieces for consideration for the anthology "PHILIPPINE SPECULATIVE FICTION V".

Speculative fiction is the literature of wonder that spans the genres of fantasy, science fiction, horror and magic realism or falls into the cracks in-between.

1. Only works of speculative fiction will be considered for publication. As works of the imagination, the theme is open and free.

2. Stories must cater to an adult sensibility. However, if you have a Young Adult story that is particularly well-written, send it in.

3. Stories must be written in English.

4. Stories must be authored by Filipinos or those of Philippine ancestry.

5. Preference will be given to original unpublished stories, but previously published stories will also be considered. In the case of previously published material, kindly include the title of the publishing entity and the publication date. Kindly state also in your cover letter that you have the permission, if necessary, from the original publishing entity to republish your work.

6. First time authors are welcome to submit. In the first four volumes, we had a good mix of established and new authors. Good stories trump literary credentials anytime.

7. No multiple submissions. Each author may submit only one story for consideration.

8. Each story’s word count must be no fewer than 1,500 words and no more than 7,500 words.

9. All submissions must be in Rich Text Format (.rtf – save the document as .rft on your word processor) and attached to an email to this address: nikkialfar@gmail.com. Submissions received in any other format will be deleted, unread.

10. The subject of your email must read: PSF5 Submission: (title) (word count); where (title) is replaced by the title of your short story, without the parentheses, and (word count) is the word count of your story, without the parentheses. For example – PSF5 Submission: Meeting Makiling 4500.

11. All submissions must be accompanied by a cover letter that includes your name, brief bio, contact information, previous publications (if any). Introduce yourself.

12. Deadline for submissions is October 15, 2009. After that date, final choices will be made and letters of acceptance or regret sent out via email. Target publishing date is February 2010.

14. Compensation for selected stories will be 2 contributor’s copies of the published anthology as well as a share in aggregrate royalties.

Kindly help spread the word. Feel free to cut and paste or link to this on your blogs or e-groups.

Thanks,

Nikki Alfar

Vin Simbulan

Dean Francis Alfar

ALIPIN

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Tatlong palito ng posporo ang nasayang. Tatlong palitong hindi nagtagumpay sa pagkakasunog ng katawang kahoy dahil sa lakas ng hangin na lapastangang pumapasok sa bintana. At sa wakas, sa pang-apat nitong pagkiskis ay nagtagumpay din at dahan-dahang hinalikan ang kandilang nakapaloob sa isang baso upang hindi kaagad magwakas ang taglay nitong kapangyarihan. At sapat na upang masilayan ang dalawang nilalang ng malibog nitong liwanag. Ang paligid ay animo'y pinagkaitan ng sapat na ilaw at tila lampas ng kakaunti sa pagtatakipsilim ang matatanglaw. Naninilaw na madilim ang buong paligid ng silid. At tinatamaan ng maselang liwanag ng kandila ang dalawang nilalang na naliligo sa sarili nilang pawis.

Mapusok niyang nilalamon ang mga labi nito habang parehong nakatayo at tanging sariling balat lang ang saplot. Ang kaniyang kamay ay tila along humahampas at lumalamas sa batong nakakasagupa. Dahan-dahan niyang pinahiga iyon, animo'y babasaging bagay at dinilaan mula leeg at nag-iiwan ng laway sa bawat dinadaan ng kanyang dila papunta sa gitna ng dalawang malulusog na dibdib nito habang ang kanyang kamay ay ginapos ang kamay ng babae. Ang isang dibdib nito ay kanyang nilamon at parang sumisipsip ng talangka ng narating niya ang tuktok nito, habang ang kabilang dibdib ay nilalamas ng isa niyang kamay na tila halimaw na hayok sa laman.

Paglaya.

Katulad ng pagpapalaya sa mga salitang nakaimbak sa utak. Katulad ng pagbuga ng usok ng sigarilyo at marijuana. Kung gustong makatakas sa katotohanan at gustong ipahinga ang utak na tila usok na nagpupumiglas; isulat, ibuga. Kung nararamdaman ng kaluluwa ang libog; hayaang magkalat ng katas.

Dahan-dahang pumailalim hanggang sa marating nito ang gitnang bahagi ng katawan. Pinatigas ang bahagi ng kanyang katawan na panlasa at animo'y lihang kumikinis sa obra sa kanyang pagkakadila. At pakiramdam niya ay mapupunit ang kanyang anit sa pagkakasabunot ng kanyang alipin.

Alipin.

Alipin ng pintor ang mga kulay na nagbibigay buhay sa kanyang likha. Alipin ng makata ang lapis na naghahayag ng paliwanag sa masalimuot na palaisipan. Alipin ng eskultor ang pang-ukit na hahawi sa agiw na pilit tinatago ang isang rebultong obra upang ito'y makatakas.

Nasaan ang pag-ibig? Wala...

Walang pag-ibig.

Wala sa kulay kundi nasa pinta. Wala sa lapis kundi nasa tula. Wala sa pang-ukit kundi kung ano ang inukit.

Binuka niya ang dalawang paa na sagabal at lumuhod sa harapan ng pintuan ng babae. Kumatok. At nagpaubaya naman ito. Pinapasok ang panauhing sakim. Dinaig ng ungol ng babae ang galit na kalikasan. Ilang ulit ding nagpabalik-balik. Hanggang sa nararamdaman ng niya ang nalalapit na pagsambulat ng kaniyang katas.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Animo'y posporong pilit kinikiskis hanggang sa magliyab.

"Eto bayad. 450 diba? 400 lang muna, bukas nalang ang 50 para 500 lahat." sabi niya. Nagbihis. Kinuha ang posporo at iniwang nakahandusay at tila lantang gulay ang alipin.

Hindi niya ito mabubusog ng pag-ibig. Sapagkat ang pag-ibig ay para sa puso, hindi sa sikmura.

*WAKAS*

Saturday, May 23, 2009

MP3

Gimbal ng alapaap sa isang nilalang na naglalakbay ang ilong.
Kung ang katawang bakal ay kinalawang;
sadyang magpapantay ang utak at alikabok sa tanghaling
sinayang ng sangkatauhan.
Hindi ang alon ng hibla nitong alindog ng Maria,
hindi ang daliring nakapaloob sa isang matinding poot.
Kundi sa kanto ng mga yungib ng katangahan at kulangot,
magsilbing tula ang iyong kantang walang lihim.
Sa salaming nakatirik sa sementeryo ng mga buhay
naglalayag ang bangkang walang nakasakay,
kundi hanging nakatawa, nakapatay ng misteryo.
Sa iyong gandang dulot ng talulot upang masanay sa paghakbang,
upang masarap ang kalyo sa hinaharap,
upang mapanaginipan ang imahinasyong nagkukubli
sa masalimuot na palabas.
Kung magsusuri ng talampas ay makibagay sa bundok,
sa ilog ng wasak ang tenga,
sa bagsik ng inuming walang nilatag na baraha.
At aking ipapasok ang ari sa mahiwagang kuweba
upang matapos ang paghihirap ng kaluluwang
nakikibaka sa sistemang nilamon ng katangahan.

PANO AKO MAGSULAT NG TULA?

Hindi naman talaga ako mahilig gumawa ng "BLOG" na kung ano-ano ang pinagsasabi para lang may matalak...
Ang trip kong gawin eh ang gumawa ng mga tula at maiikling kuwento kung may pumasok na hangin na may dala ng matitinding impormasyon... (pag nakasinghot ng marijuana, dun naglalabasan lahat)
Ngayon nga eh wala ako masabi, wala naman kasi akong itatalak at mamamantsahan lang itong kuwarto ko sa walang sense na blog na ito...
Bakit ko ba ginawa to? Sa totoo lang di ko din alam...
Kakasinghot ko palang ng marijuana at sadyang kung ano-anong mga salita ang dapat na ilabas mula sa pagkakabaon sa aking utak...
Kasasabi ko palang na wala akong masabi, pero meron din naman pala. (putang ina ang gulo na ng utak ko)



Una, sa ilang araw na paglilibot ko sa mga site ng ibang bloggers eh nawiwindang ang aking pag-iisip...
Ibat-ibang trip, may nagtutula, may gumagawa ng maiikling kuwento, may kung ano-anong pa...
Nakakatuwang maglakbay dito sa mundo ng blogosphere...
Paki imagine nito...
Bakit pa tayo nagaaksaya ng oras sa pag susulat ng kung ano-ano?
Na di mo naman alam kong may nagbabasa...
Diba? Aksaya lang ng oras...
Kahit nga ako sana nagsusulat nalang ako ng tula o maikling kuwento, sapagkat ginawa ko tong blog para mashare ko sa iba (kung meron mang interesado, pero kung wala, wala akong paki)
ang aking mga akda...
Teka nawiwindang na naman ang utak ko... Naliligaw...



Wala na akong masabi, di ako sanay gumawa ng blog...
Eto nalang, paki try nalang nitong palagi kong ginagawa...
Una, bumili ng marijuana sa inyong lugar...
Tapos pag sabog ka na, kuha ka ng papel at lapis...
Tapos tumingin ka sa kawalan...
Tapos magsulat ka ng kung ano-ano...
Wag mong isipin kung maganda o may rhyme...
Basta sulat lang...
Para makagawa ka ng surreal or dada na tula...
Pagkatapos mong masulat eh ayusin mo ng konti...
Wag mong baguhin...
Tapos yun na... Isang obra...
Obra ng iyong subconsciousness... Yun lang po...
Wew...

Friday, May 22, 2009

PAMAYPAY

Kung sakaling maglibot ang panis na laway;
sa hinimay na bulok na pananalangin
ay tatangis sa kaibuturan ng banal na WALA.
Kung inyong pipigilan ang talukap na-
pagmasdan ang sumasayaw na basag na baso
sa gilid ng isang dahong matamlay,
ay siyang pagsukob ng kamalayan.
Kung susunod ka sa aking agos ay ililigaw,
patungo sa katotohanang hiwalay.
(hiwalay sa nakaraang pagsibol ng punyal)
Kung ang tawa mo ay siyang sasalungat
ay hayaang salubungin ito ng mapungay na mata;
ng hibla ng buhok na nakasabit sa pangil ng
malibog na dagundong.
Malaya na sa paglayo sa kinamulatan.
Malayang makakaligtas ang hiningang pinigil;
ng kanilang tradisyon.
Kung ang pag salungat sa buhos ng ulan ay pangako;
walang tubig na aagos sa tanghaling tapat.

Thursday, May 21, 2009

DADA DE DI DO DU

Sa kahong hangal ang nakakatitig; walang maaaninag na liwanag.

Walang makaalpas, walang madinig na singaw ng alapaap ng demonyong walang sungay ng ginto.

Sa isang tabi ng salaming basag ang kalahati; kuko ng sanggol.

Bihasa sa pagkuha ng damo na lumilipad at sa usok ay lulutang ang kabalyerong walang saplot at titinag sa pader ng kahangalan.

Hukay ng kalamnang walang atay na nakakulong sa palad ng isang birheng babaeng naka kurba ang ilong.

At sa pagkakasinghot ng mahiwagang ito; sasalubong ang angkan ng mandirigma.

At sa mata'y matatanaw ang batis na nagaalab, isang kubikong sipon.

Sa kanto ng dinadaanang sariling hukay ng kaluluwang ligaw sa espalto.

At bakit ang katangahan mo ang magdudulot ng pag ngiti?

PANAGINIP

Nagising...
Imumulat ang mga mata;
isang bulong ng hanging ligaw,
nakapuwing.

Naglakad...
Ihahakbang ang mga paa;
harang ng kamalasan,
nadapa.

Tumayo...

Saan tutungo?

Walang pupuntahan...
Walang masilungan...

Babalik sa dating kinalalagyan.

Matutulog...
Mananaginip...
Nakakalipad...

Sana'y nananaginip din ang aking kinamulatan...
Sana...

Tuesday, May 19, 2009

KATAPUSAN

Panibagong alindog ang nakalutang
sa kawalan, nagpakawala ng-
halimuyak ang senaryong walang kabuuan.
Sa isang hugot ng hanging tumakas;
maglalakad patungo sa kung saan ang
nais pasukin at sabay kampay ng malay.
Maningning na naman ang paligid,
at mahinhin ang balat sa pagdama
ng kalat at madidinig
ang labas na masalimuot.
Kung bakit di ko kayang lumampas
sa pintong gawa ng aking imahinasyon.
At sa pagkawala ng paningin,
walang nasilayan,
kundi sariling kahinaan.

Sunday, May 17, 2009

IKAW (alay kay miss elaine espina...)

Hindi ang iyong pagtanggap ang tanging
nakakapag pangiti sa aking puso.
Kundi ang paglisan ng poot sa iyong dibdib-
ng aking bitiwan ang nais.
Hindi mo man kaya na ako'y silungan
ng iyong pag-ibig.
Ngunit ang iyong pagdamay ay sapat
upang hindi mabasa.

Mahal kita mula sa hibla ng iyong buhok,
hanggang sa iyong talampakan.

Minamahal ko ang bawat ngiti ng iyong labi.
Minamahal ko ang mapupungay mong mga mata.
Minamahal ko ang iyong mga daliring minsang
dumampi sa aking ulo.
Minamahal ko ang iyong mumunting mga braso.
Mahal ko ang iyong buong pagkatao.

Mahirap tanggapin itong aking hiling
at alam ko naman na sa hangin lang din maipaparating.
Gusto ko lang naman na mailabas itong nadarama.
Kahit pa walang nakahimlay na pag-asa.

Ikaw ang batis na umaagos upang magpatuloy
itong aking bangka sa paglalakbay.
Ikaw itong hanging bumubulong sa-
bawat salitang isusulat.
Ikaw ang musika sa mga dahong naghahalikan.
Ikaw ang imahe ng larawan na sa puso'y
matagal nang nakaguhit.

Hindi ang iyong pagtanggap
ang aking nais iparating.
Hindi ang pagpapasilong
ang aking nais damhin.

Kundi ang pananatili mo sa pagiging IKAW...

Thursday, May 14, 2009

MARY JANE

Salamat sa hagupit; ulirat ay bumalik.

Sa angking bango at hagod; nagpalaya, tumalsik.

Salamat sa pagtulak; at hindi inaagiw itong sisidlan.

Sa aking pagpikit; iyong dinidilat itong silid.

Sa aking pag himlay; gising aking paligid.

Napa-ibig mo itong puso.

Utak ko ay iyong pinuno.

Salamat kaibigan sa iyong ganda.

Salamat sa dulot mong saya.

Sunday, May 10, 2009

KAPE

Matamlay ang limang pirasong parisukat

ng bakuran.

Sa bigay na usok ng hanging pikit-matang

lumalayo.

At sa kumpas ng walang alam,

ay halakhak ang naaamoy sa mga bulaklak-

sa nagaapoy na batis.

Sa bawat natutuwid na sulok

nitong alipin ay walang naniniwala.

Sa malawak na kumot;

nakatago ang puting saranggola.

Lilipad at tatanaw sa likhang-

walang malay.

Paligid ko ay makulay.

Paligid ko ay walang pantay.

Paligid ko namalas ang kanilang baraha.

At sa timpla kong kape maaamoy ang baho

ng aking kalamnang binaklas sa katotohanan.

Thursday, May 7, 2009

PARKE NIJAGA

Lilitaw sa parke Nijaga ng sandaling nagtilamsik itong marikit na de latang walang laman.

Hawak na himpapawid; bagkus walang lakas tumiwalag.

Kulay, linya, inidorong may kalyo, salitang nalanghap.

Kukong nakasabit sa espadang nakatirik sa tulay Jasmines.

Ngiti ay sukli, sampung pisong lagatik sa Calbayog Samar.

Nagsisilbing bola ay isang pirasong alikabok;

sa palad na butas.

Ililipad itong bilog na sandata,

sa pagpasok ng ulo sa eskenitang porselana ang puwet,

Sa tahanan ng ibong Adarna,

walang ngipin

walang ilong,

walang buhok.

Ang mata'y nasa sahig na may isang bubog na takip.

HINDI

Hindi sa inungkat nitong lalim ng lalim;

gamit punlang marupok, pawis lagatak.

Hindi sa nahuling dati'y malaya;

magsilbing kinang, sa katawa'y palamuti.

Hindi sa latag ng lirikong kaakit-akit,

susunod sa hangin, kung saan-saan liliwaliw.

Hindi ang susupil sa kamalayan;

lalamunin itong kaluluwa, dala ng iyong bulong.

Hindi ang katotohanan ang lahat;

hindi sasanib sa likuran ng tunay.

Hindi itong wala ang maglalaho;

lahat ay wala, ulap lamang ng iyong katotohanan.

Monday, May 4, 2009

AT LUMIPAD ANG PUTING UWAK

Sigaw ni JESUS ay sinulid na itim
na babakas sa buhawing may kurbang-
parisukat.
Kung kahit ang bubong duduyan sa esterong
may gulong na nakakabara sa lalamunan.
Ano ka ngayon?
Paglaruan ang uling na lilinis sa telang pinunas
sa pagmumukha, walang pawis.
Mas malakas ang bulong ni SATANAS
kesa sa sigaw mo.
Ang ininom ng hinukay na mga mata
ng sangkatauhan.
Hinugot ang kaluluwang sumasayaw-
sa kamalayan ng WALA naman.

Sunday, May 3, 2009

SA ILALIM NG IBABAW

Binalot ng sahig ang kandadong
kandila ng pintuan-
malapit sa bintana.
At bumuka ang lila na tumaob
sa mata ng lilim.
Bakit nawasak ang gintong bungo-
ni Socrates?
At nang lumiwanag ang sinukloban
ng sirang kamay ay siklab ng tangis sa baba.
Ginamit ang susing lubid
upang lumambot-
kapangyarihang umagos sa dila.
Pintuang dadaanan ng tatlong-
paa mula sa ulap na pinalungkot
ng dilaw na malibog na apoy.
Minalas ng matang nakapatong
sa ibabaw ng mesang walang talampakan.
Bakit winasak ang bungo-
para sa ginto ni Socrates?
Lulutang sa papel na aalingasaw,
sa walang paslit na liwanag.
Kung ihahagis ang luha-
kailangan ba ng palad upang masalo-
ang dalamhati?

PULA

Sa bahay ni ANO nakakulong-

isang kulay lipad, wala sa anyo.

Tigang sa kahit anong masabi,

at tawa ang itatapon sa salamin.

Buhok na alon wala pa din-

kung titingala ay malalamigan.

Isang kutsarang lumitaw sa utak-

at humakot ng nakakasilaw na lupa.

Saan na ang liko at sasanib pa ba?

Yumuko at apakan upang lumubog-

bahay ni ANO ay sunog

at walang laman kahit limang PULA.

Friday, May 1, 2009

KAHANGALAN LANG PALA

Kung pagmamasdan,

kaaya-aya.

Nakakawiling pakinggan.

Paano kung imahinasyon-

ang titingin?

Kung karunungan-

ang didinig?

Hindi ba't-

kagagawan lang ng tanga?

Hindi ba't-

pinagsisigawan lang ng hangal?