Wednesday, August 18, 2010
DIYOS NG CALBAYOG CITY
kung bakit
naroroon sila sa
taas.
nakalutang.
ang madalas kong
daanan sa Capo-ocan
ang old-road
ang tulay ng Jasmines
ang parke Nijaga
ang aking tinirahan dati
at ang katabi nitong
paaralan ng mga
bulag.
ang 7th Day Adventist
at ang
Faith Tabernacle.
Nagsasalo sa katiting
na utak
at kaluluwa.
nakalutang.
malayang nagliliwaliw
sa espasyo
ng mundo.
sa isang
iglap lang
nagsibagsakan lahat.
at bigla kong naalala:
ako pala ang diyos
ng Calbayog City.
Wednesday, March 31, 2010
GANITONG WALANG BUWAN
langit habang
nakahiga
sa
damuhan.
sa kabila ng
nagkikislapan
nitong
mga bituin
nararamdaman
kong ang
gabing ito ay
malungkot.
dama ko
ang pagtangis
ng
paligid.
tahimik
tanging mga
dahon lang
na naghahalikan
ang siyang
madidinig.
at ang maamong
ritmo
ng
ilog.
tila
napakalapit
ng langit sa
akin.
bituin.
walang buwan.
naisip ko:
kapag ganitong
walang
buwan.
walang
kasama ang gabi.
talagang
malungkot.
sana
nandito
ka.
ikaw ang magsilbing
buwan.
sa
akin.
at
sa
gabing
ito.
dahil
ang bawat
gabi
ay
malungkot.
lalo't
walang
buwan.
lalo't
wala
ka.
Friday, January 15, 2010
february 15 2008
kita.
sapagkat
sadya naman talagang
mahirap
kang
kalimutan.
dahil hanggang
ngayon
buhay parin
sa aking isipan
ang
kurba
ng iyong labi
sa
tuwing ngingiti.
kung gaano ka
kaganda
kapag kumurap na
yaong
mga mata.
kung paano
mangatog ang
takbo
ng oras sa
bawat
kumpas ng iyong
kamay,
sa bawat
indayog ng iyong
katawan.
naaalala parin
kita.
dahil iyon
nalang
ang natitirang
paraan
para mabilanggo
ako sa
nakaraang
ako'y
nasa alapaap.
sa umaga
ikaw
ang hanging unang
nalalanghap.
ikaw din
ang
pinakaunang
sikat ng araw.
sa takipsilim
ikaw
itong tila
disyertong
langit.
at sa pagkalat
ng
dilim
ikaw ang siyang
bituin.
naaalala parin
kita.
sa kabila ng
katotohanang
hindi
na kita mahal.
natutunan
ka nang pakawalan
ng puso ko
ng kaluluwa ko
ngunit
hindi
ng aking
isipan.
dahil sa:
madaling magparaya
kayhirap lumimot.
kung ikaw
ang
naninirahan sa
nakaraan.
sadyang
kayhirap lumimot.
napakahirap.
katulad ng
paglimot
sa
hangin.
ikamamatay ko.
at sana lang...
huwag ka nang umalis...
huwag mo na akong
iiwan...
kahit manlang
sa ala-ala.
Thursday, December 24, 2009
SA TAGPONG ITO
hindi dahil sa hindi na kita mahal.
hindi yun. at alam kong alam mong hindi
maaari yun.ilang beses ko nang
nasilayan ang pagtulo ng iyong luha.
ilang beses na din tayong nagtalo.
iyon ay dahil hindi perpekto ang pag-ibig.
alam mo namang minahal ko na din ang lakas
ng iyong sampal at iyong pagmumura sakin.
at di din naman matatawaran ang tamis ng
iyong halik at ang paulit-ulit mong pagsasabi
na mahal mo ako.
at ngayong ako'y mamamaalam, hindi mo alam
kung gaano kasakit.
ihalintulad mo nalang ang bituing sumabog,
nalusaw at nawalan ng kapangyarihang kumindat
sa gabing malungkot. tulad ng bagong gising
na araw, niyakap at nalunod sa hamog ng umaga.
at sa aking paglisan ang bawat makikita'y tila
nagtatago sa likod ng manipis na ulap.
at sa bawat tunog na madidinig ay nakabibinging
katahimikan. dahil wala nang masilayang ikaw,
at sa pagkawala ng iyong tinig ay siyang pagtigil
ng musika sa aking paligid. walang init ang bawat
araw na daraan sa kaluluwang manhid, naninigas
sa lamig ng pag-iisa.
sa parteng ito, gusto ko sanang hawakan mo ang
aking kamay at ipamalas ang ganda ng iyong ngiti.
ipadama sa akin ang init ang iyong palad at iyong
kasiyahan. hanggang sa wala na akong maramdaman,
hanggang di ko na maabutan ang pagtulo ng iyong
luha.
dahil ang pinakamahirap sa tagpong ito...
sa aking pagpanaw...
ay ang iwan ka...
Thursday, November 12, 2009
3:01 HAPON, NAKADAPA
Nakadapa
habang
pinagmamasdan
ang kable
sa sahig.
Pati
mga langgam
na walang
pagod
sa paglalakbay.
Kable
Sahig
Langgam
Salita,
saan ka
nakaimbak?
Kanino?
BILOG NA SILID
at ang hirap pagpantayin ang
mga paa, tila nasa loob ka ng
isang bola. Nawalan
ng kapangyarihan ang mundo
na ang lahat ng bagay ay mahuhulog
kapag hinagis pataas. Matagal din
akong nagpaikot-ikot, alas 3:01
ng hapon nang ako'y nagpasyang
lumabas. At nagtatakang
hinagkan ang kuwadradong mundo.
Nalilito
Nabibingi
Natutulala
At hinawakan ko ang iyong
kamay na kasing lamig ng yelo.
Pareho tayong nakamasid sa
kalawakan na walang bituin,
at dahan-dahan tayong papasok
sa bilog na silid.
Saturday, November 7, 2009
TAKIPSILIM
at susuko na ang pinakahuling
sinag ng araw. Tahimik ang paligid
na tila sementeryo ng mga buhay.
Ang mga nilalang ay tila sabik
na salubungin ang napipintong
kadiliman. At ako, nandito
nakahimlay. Nagpapasalamat sa
isang araw na humalik sa aking
kamatayan.
NAPAKAGANDANG DILAG
magandang dilag.
Hindi mahuhugasan ng
iyong pagtangis ang
duming kaniyang iniwan.
Hindi nararapat na sa
kanya'y tutulo yaong
luhang diyamante.
Sayang ang kinang
ng mapupungay mong
mga mata.
Sayang ang kislap
ng iyong mga ngipin
sa tuwing ngingiti.
Kaya tahan na binibini,
napakagandang dilag.
SA HARDIN
Sa isang hardin, nakikiisa siya
sa magaganda at mababangong
bulaklak. Nakatalikod,
hawak ng kaliwang kamay ang
matamlay na rosas.
Nakikisayaw ang buhok niyang
tila talon ng tintang itim
sa hangin.
Ang tikas ng kaniyang likod
na nakapatong sa mga hitang
nakahimlay sa damuhan.
Ang mahahaba niyang mga binti
na kay sarap lamasin.
Kung maaari lang sana
siya'y hawakan.
Dadamhin ko ang kaniyang
makikinis na mga binti
sa pamamagitan ng aking palad.
Aamuyin ko ang kaniyang buhok.
Yayakapin ko na rin
ang kaniyang likod.
Kaming dalawa lang.
Kasama ang dinampot ng aking
isipan.
Pero...
Wala pa akong maisip
kung paano ko ihahambing ang
kaniyang ilong, dibdib, labi, mata.
Dahil siya'y nakakulong sa aking
imahinasyon.
Ayoko siyang humarap.
Ayoko siyang makilala.
Baka bumalik lang ako
sa nakaraan.
ANG ATING MUNDO
sa sulok ng imahinasyong walang nakapinta
kundi isang malawak na palaisipan.
Papasukin at bubuuin ang nabasag na sagot
upang hindi iyon mabilanggo sa aking
kamalayang tulala sa nakaraan.
Ang lahat ng nakikita ay isang panaginip lang
at ang katotohanan ay nakahimlay sa
pagpikit, pagtakas sa reyalidad.
Walang kahulugan ang lahat,
walang kaugnayan,
walang parusa.
Walang mangyayari sa paghalik ng tuhod
sa lupang tigang. Sa pagbulong sa
rebultong nakangiti sayong pagtangis.
Imulat ang matang binulag ng kinagisnang
kahapon. Kung pagmamasdan ang bawat
piraso ng ulap, ikaw ang lumikha
ng kalawakan. At bago ka maging abo,
isumpa mo ang mundo, isumpa mo kaibigan.
KASAYSAYAN
pininta gamit ang lihim
na panungkit mabubunyag
ang tinagong letra;inuod
at bumaho. Yayakapin ng
hangin at tutulungang
ialsa. Sabay na lilipad
at tanging ilong lang ng
sinumpa ang makakaamoy.
Mahuhulog ang mga matang
binulag ng isang libong
pilak. At ikukulong sa
nakaraan ang kaluluwang
umindayog sa kalansing
ng sentimo.
Sunday, October 25, 2009
AKING PAMAMAALAM
pamamaalam.
Huwag hayaang dampian ng sariling
luha yaong iyong pisngi.
Huwag kang iiyak.
Dahil hindi nito patitibukin
muli ang tahimik kong puso.
Dahil hindi nito mabubuksan
ang pagod kong mata.
Dahil hindi nito mailalabas
ang laman ng aking utak.
Tama...
Ganiyan nga.
Walang dapat ikalungkot.
Kapag dumating ang oras ng aking
pamamaalam.
Huwag mo akong titigan,
na parang ika'y naaawa.
Sunugin mo agad itong katawang mortal.
Uulitin ko, walang luhang
dapat na masayang.
Dahil hindi ko naman mararamdaman
ang iyong pagdamay.
Walang mga gintong salita ang
dapat pang ibulong.
Dahil hindi ko din naman iyon
madidinig.
Walang bulaklak na dapat pang ialay.
Hindi ko din naman iyon makikita.
Isaboy ang aking abo sa dagat ng Onay.
Ganun lang kadali.
Ganun lang.
Wala nang seremonya, o pagtitipon.
At sa iyong paglalakad palayo,
tanging bakas lang ng iyong paa ang iwan.
Mahahalikan ko iyon sa tuwing aalon.
Hanggang sa pareho itong maglaho.
Kapag dumating ang oras na iyon.
Bakit kailangang malungkot?
Saturday, October 17, 2009
ISANG GABI
aninong likha ng buwang nakamasid
at kaniyang liwanag ay sa aki'y umaangkin.
Sa dako roon ay puno ng Narra
siya'y tahimik na nakahimlay at ugat
ay malaya sa lupang binasa ng pagtangis.
At doon lumuha ang Anggat Dam at
sa kaniyang pagpunas ng mata'y napangiti
sa luhang kumikinang na tila
diyamanteng hinagis ng nakakuyom
ang mga palad.
Doon banda sumuka ang Laguna Bay.
Doon naman ay tila isang ilog ng
lupa na umaawit
habang naguunahan sa pagbaba
sa bundok ng Benguet.
At doon ang Pateros ay kumaway.
Doon din ang tulay-na-bato ay lumabas
ang sipon.
Dito naglakad ng mahinhin si Ondoy
dito naman tumakbo
si Pepeng.
At sa taas ay payapang nakapinta
ang buwan
walang bituing nais sumilip at
tingnan ang napakaganda kong mundo.
Sa aking tabi ay sariling kamay.
Ako.
At sila.
Silang di na makakasama sa pakikibaka.
Silang di na makakasimba sa Quiapo.
Silang di na maiinom ang natirang gin.
Silang maralita.
Silang matanda may hawak pang rosaryo,
batang nakantot na
o birhen pa.
Silang matambok ang bulsa dahil sa dami
ng perang papel na basa.
Silang sa kanilang sasakyang makintab
nung nakaraang araw ay kawangis
na ng kanilang dugong sumanib
sa putik.
Silang may ginto't pera
ay kapareho lang pala kung humimlay
sa nagpapataya ng jueteng
at namumulot ng basura sa banda doon.
Silang di na manginginig sa lamig ng hamog
bukas ng umaga.
At bukas paggising ko
ako'y maglalakad palayo at
aalisin ang putik ng isang gabing
ako ay natuwa sa aming kahangalan
kasama ang natatanging anino.
Wednesday, October 14, 2009
ISIP-BATA
gumuguhit ang buong paligid sa kaniyang isipan.
Nadadama niya ang sakit ng sugat sa kaliwang paa. Nalalasahan
ang lansa ng sariling dugo na dahan-dahang umaagos
mula sa kaniyang ulo. Humahapdi ang mata niya sa tuwing nadaraanan
ng sariling dugo.
Nakaunat ang parehong paa, habang nakaupo at nakatali ang katawan
sa isang poste. Halos madinig ang sunod-sunod na kabog ng kaniyang
dibdib dahil sa sobrang tahimik ng lugar, payapa, maaliwalas.
Pilitin man niyang tumayo ay di niya magawa dahil sa sobrang
sakit ng sugat niya sa paa. Limang pulgada pababa sa tuhod, nakausli ang buto
nitong hati.
Ilang sandali pa'y may nadinig siyang yapak.
"Sino ka? Pakawalan mo ko dito." sabi niya. Pero parang
wala itong nadinig.
Lumapit ito sa kanya.
Hinimas ang paa nitong may sugat.
Mula binti, pababa...
Patungo sa sugat.
Pagdating sa pakay nito ay pinitik-pitik nito ang butong tila
isang liwanag ng proxima centauri na nais makalaya.
"Wag naman oh." pagmamakaawa niya. Tumulo na ang luha nito sa wakas,
at sumanib iyon sa malamig niyang pawis.
Tila na siya ng tinik nang tumayo ito at naglakad palayo.
Umiikot ang kaniyang paningin...
Tila gustong magtalik ang pareho niyang talukap.
At dahan-dahang naglaho sa kaniyang paningin ang buong paligid.
Kung ganito nalang sana.
Kung maaari lang sanang di na siya magising.
Nadinig na naman niya ang mga yapak. Lumapit ito sa kaniya.
May dalang martilyo at apat na pulgadang pako. Nakatayo ito sa harapan
niya.
Inalsa ang kamay na may hawak na pako at tinapat sa paa niyang may sugat
at nakausling buto.
Wala siyang magawa kundi titigan nalang ito.
Hinulog nito ang pako, sa tuhod iyon bumagsak.
Pinulot nito ang pako. Tinaas at sinubukan ulit ihulog sa tapat
ng sugat. Sa pagkakataong iyun nasapul na ito.
Di pa natatapos ang drama ng matandang lalake ng bumagsak
mula sa taas ang martilyo, sapul ang nakausling buto nito at
tumalsik ang maliliit na piraso ng buto at dugo sa sahig.
Tila musika sa tenga nito ang hagulhol ng matandang lalake. Naupo
ito sa tabi niya, pinagmasdan ang kaniyang mukhang naghalo
ang luha, pawis at dugo.
Animo'y batang tuwang-tuwa sa panonood ng spongebob.
Tumigil ang paghagulhol ng matandang lalake. Tumahimik ang buong paligid.
Tila tumigil ang oras ng mga sandaling iyun.
Kahit ilang segundo ay nakadama ng katahimikan ang dalawa.
Ilang sandali pa, gamit ang martilyo ay hinambalos nito nang pagkalakas-lakas
ang sugat niya. At pinalo, pinalo nang pinalo hanggang sa magkaluray-luray.
Tumayo ito at naglakad paalis.
Maya-maya ay bumalik itong may dalang pliers.
Kung ang iba ay nananalanging humaba pa ang buhay, kabaliktaran naman
ang nasa utak niya.
Gusto niyang magwakas na iyon sa isang iglap.
Hinawakan nito ang kaniyang panga at wala pilit binuka ang kaniyang bibig.
Wala ng natitirang lakas para pigilan ito.
Inipit nito ang harapan niyang ngipin gamit ang pliers, parang alambreng
pilit pinuputol, hinuhugot.
Naputol iyon, tumulo ang laway na may halong dugo.
Lumipat sa katabing ngipin, inipit, inuga-uga hanggang sa mabunot.
Parang baboy na kinakatay kung makasigaw siya. Kasabay ng pagbukas
ng pinto.
"Tapusin mo na nga yan, at diba sabi ko sa kusina mo gawin yan?"
sabi ng babaeng kakapasok lang.
Halos di nito makilala ang pagmumukha ng matandang lalake
dahil sa duguan nitong mukha.
Ilang sandali pa ay kinuha nito ang apat na pulgadang pako at martilyo.
Tinapat ang pako sa ulo niya, at pinukpok.
Bumaon.
Masaya silang kumain.
"Tinapon ko na yung kahapon, payat yun eh, buti to malaman."
sabi ng babae. Hindi ito kumibo.
Tumayo ang babae at naglakad patungo sa kusina para kumuha ng tubig.
Tila may napansin siya.
Piraso ng daliri mula sa matandang lalake. May singsing iyung suot.
Dinampot, at pinagmasdan.
Tila bumalik ang ala-ala niya sa nakaraan.
Bumalik siya sa hapag-kainan, kinuha ang natirang ulam at tinapon iyon
sa labas.
"Anak kantutin mo na nga ako." sabi ng babae habang pinipigilan
ang pagtulo ng luha.
*wakas*
Friday, August 28, 2009
TUBIG AT LANGIS
ilalatag sa bakanteng sulatan?
Kung di ito ang nais mong mabatid.
Hinugot mula sa kaibuturan
nitong puso-
utak ang nagsulsi.
Bihisan man ng magarbo itong salita
o diligan ng diyamante
ng paningin mo'y madakip.
Sana madamay na rin pati iyong puso.
Sana...
maaaring maghalo ang
tubig at langis.
Friday, August 21, 2009
KUNDIMAN
sa isang iglap nahablot agad
ng hanging lapastangang hinawi.
Kaaaninag lang ng iyong mata'y
bigla itong liwanag nagdamot
ng kanyang kapangyarihan.
Sana kung sa isip ko'y nakitira
nawa'y pahintulutang di manamlay.
Sana kung sa puso man ay mahimlay
mamutawi nawa ang kahapon.
Sunday, August 16, 2009
PAMAMAALAM
yaong ngiti sa rurok pagdadalamhati?
Sa kinalimutang himig
ng tawang animo'y musikang kundiman.
Bakas ng kahapong kalungkuta'y
tila di mawawalay.
Sa nabaon nang pag-asang
gigising sa katauhan.
At sa tuluyang pamamaalam.
Kailan nga ba masasamid sa bukas
yaong ngiti sa rurok
ng pag-iisa?
Thursday, June 4, 2009
LIKHA
ipapalasap sa bawat
sisidlan ng kapangyarihan
ang namukadkad.
At tititigan
pag-iisipan
saka ibubunyag
ang tagong baho.
Bakit ka naririto
at inuubos ang buhangin
sa walang katotohanang
paglalakbay?
Ay! Ang iyong natatanaw
ay inagos lamang
dinala at pinalasap
para lamang magliyab.
Kung magwakas man
at maglaho lahat
kapares lang ng
sa akin, natupok.
Monday, May 25, 2009
MUSIKA
sa kaluluwang ligalig.
Ang isipan pinalaya
sa palikurang daigdig.
Pikit-matang sasalubungin
ang himig mula sa hangin.
Di hahayaang wakasan
halina't sa puso manahan.
Inalsa itong kanang kamay
kampay sa musikang taglay.
Pinayapa itong kamalayan
ginising ang katotohanan.
Sigaw ngunit di madidinig
ng sino man.
Pagkat sa puso'y kinulong
at sa mata'y mamamasdan.
Mula sa usok na sinamyo
at sa musikang kalaguyo.
Higit pa sa isipang lumayo
at sa gilid ng bangin tumayo.
Sunday, May 24, 2009
FOLK DANCE

An omnibus severe elegant of lightning
create a thousand pebbles that smell an agony.
For the tree that count terrible, bourgeois
for something cloud inside an omnipotent creation.
Vastness of three cubic silver, inside a separate glass
that boost all the charity of turning wheel.
The brightness of dim room with flower,
morbid, ancestor of primer in a blank bank.
Creator?
Call ambulance and post the vacancy of shadow.
Intelligence absurd, turned into a massive fog.
A clown with hat, crying for a finger holding ass.
Me...
You...
Are a sewing machine in a circular parabola,
hemisphere from universe, blackhole with
cockroach.
