Kapag dumating ang oras ng aking
pamamaalam.
Huwag hayaang dampian ng sariling
luha yaong iyong pisngi.
Huwag kang iiyak.
Dahil hindi nito patitibukin
muli ang tahimik kong puso.
Dahil hindi nito mabubuksan
ang pagod kong mata.
Dahil hindi nito mailalabas
ang laman ng aking utak.
Tama...
Ganiyan nga.
Walang dapat ikalungkot.
Kapag dumating ang oras ng aking
pamamaalam.
Huwag mo akong titigan,
na parang ika'y naaawa.
Sunugin mo agad itong katawang mortal.
Uulitin ko, walang luhang
dapat na masayang.
Dahil hindi ko naman mararamdaman
ang iyong pagdamay.
Walang mga gintong salita ang
dapat pang ibulong.
Dahil hindi ko din naman iyon
madidinig.
Walang bulaklak na dapat pang ialay.
Hindi ko din naman iyon makikita.
Isaboy ang aking abo sa dagat ng Onay.
Ganun lang kadali.
Ganun lang.
Wala nang seremonya, o pagtitipon.
At sa iyong paglalakad palayo,
tanging bakas lang ng iyong paa ang iwan.
Mahahalikan ko iyon sa tuwing aalon.
Hanggang sa pareho itong maglaho.
Kapag dumating ang oras na iyon.
Bakit kailangang malungkot?
Handcrafted Dreams
4 years ago
nice poem.... hmmm teka sino ba ang ma mamaalam? inspired ka ba? ganda kasi ng pag kakagawa eh
ReplyDeleteako ang mamamaalam...
ReplyDeleteat hindi ako inspired...
salamat sa pag basa...
wala akong magawa kaya nagba-blog hop ako,.
ReplyDeletenaligaw ako dito,.
nakakatuwa.
Hinayaan ng pagkakataong mapadpad ako sa pahinang ito.
nais kong magkaroon pa tayo ng mas mainam na ugnayan,.
hayaan mong aking sundan ang blog mo kaibigan!
somnolentdyarista.blogspot.com
salamat sa gintong salita kaibigan....
ReplyDeleteako'y lubos na nagagalak...