Gimbal ng alapaap sa isang nilalang na naglalakbay ang ilong.
Kung ang katawang bakal ay kinalawang;
sadyang magpapantay ang utak at alikabok sa tanghaling
sinayang ng sangkatauhan.
Hindi ang alon ng hibla nitong alindog ng Maria,
hindi ang daliring nakapaloob sa isang matinding poot.
Kundi sa kanto ng mga yungib ng katangahan at kulangot,
magsilbing tula ang iyong kantang walang lihim.
Sa salaming nakatirik sa sementeryo ng mga buhay
naglalayag ang bangkang walang nakasakay,
kundi hanging nakatawa, nakapatay ng misteryo.
Sa iyong gandang dulot ng talulot upang masanay sa paghakbang,
upang masarap ang kalyo sa hinaharap,
upang mapanaginipan ang imahinasyong nagkukubli
sa masalimuot na palabas.
Kung magsusuri ng talampas ay makibagay sa bundok,
sa ilog ng wasak ang tenga,
sa bagsik ng inuming walang nilatag na baraha.
At aking ipapasok ang ari sa mahiwagang kuweba
upang matapos ang paghihirap ng kaluluwang
nakikibaka sa sistemang nilamon ng katangahan.
Handcrafted Dreams
4 years ago
hmmm... lalim nang poem... muntik na akong malunod... galing sa poem... pero 'un nga sobrang lalim... nde akoh makahirit... kc nde koh alam ang ihihirit.. lolz.. ingatz na lang... Godbless! -di
ReplyDeleteits a junk... di yan mahahanapan ng meaning...
ReplyDeletethat kind of poem made from unconsciousness...
thanks for commenting on this trash...
by the way, im a dadaist, or surrealist maybe...
parang me naiimagine akong senaryo. kaso medyo x-rated e. hehe... pero, ikaw pa rin ang makapagsasabi kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng gawa mo. gumagawa rin ako ng tula. GOODLUCK!
ReplyDeletethanks sa komento tsong...
ReplyDeletesa last part medyo x rated, dun ako dinala ng subconsciousness ko.. hahaha...
HAHAHA! Oo nga. Halata! Hehe.. Nice poem.
ReplyDeletehahaha... i just love wandering in fiction world...
ReplyDeleteby the way, if you want to share your poems, or whatever it is about literature, you can register to this site
http://filipinowriter.com/
thats it...
feel free to post..