Thursday, May 14, 2009

MARY JANE

Salamat sa hagupit; ulirat ay bumalik.

Sa angking bango at hagod; nagpalaya, tumalsik.

Salamat sa pagtulak; at hindi inaagiw itong sisidlan.

Sa aking pagpikit; iyong dinidilat itong silid.

Sa aking pag himlay; gising aking paligid.

Napa-ibig mo itong puso.

Utak ko ay iyong pinuno.

Salamat kaibigan sa iyong ganda.

Salamat sa dulot mong saya.

2 comments:

  1. Gusto ko tong piece na to! Nakaka-High! hehe!! :)

    ReplyDelete
  2. hahaha... ayus ah, nadigs mo tsong...
    salamat sa komento...

    ReplyDelete