Sunday, May 3, 2009

PULA

Sa bahay ni ANO nakakulong-

isang kulay lipad, wala sa anyo.

Tigang sa kahit anong masabi,

at tawa ang itatapon sa salamin.

Buhok na alon wala pa din-

kung titingala ay malalamigan.

Isang kutsarang lumitaw sa utak-

at humakot ng nakakasilaw na lupa.

Saan na ang liko at sasanib pa ba?

Yumuko at apakan upang lumubog-

bahay ni ANO ay sunog

at walang laman kahit limang PULA.

2 comments:

  1. SALAMIN NI ANO
    Mga isipiang sadyang mataas..
    kaya't pilit ibinababa para maabot...

    Pilit mang hukayin walang mahuhukay nalaman dahil ang isipa'y lumilipad sa kawalan.. kaya hindi makapagbigay liwanag..

    Naghihintay sa muling pagsasanib para maging isang muli..


    ''Ang taong may hawak ng susi ang siyang makakakuha ng mensaheng ikinulong sa mga salita''..

    PULA- Posporo
    LUPA- hukayin ang isipan
    ULAP-Lumilipad ang isipan sa <---

    ReplyDelete
  2. mahusay ang iyong pagpuna...
    salamat...

    ReplyDelete