Monday, May 25, 2009

MUSIKA

Indak; hatid
sa kaluluwang ligalig.
Ang isipan pinalaya
sa palikurang daigdig.
Pikit-matang sasalubungin
ang himig mula sa hangin.
Di hahayaang wakasan
halina't sa puso manahan.


Inalsa itong kanang kamay
kampay sa musikang taglay.
Pinayapa itong kamalayan
ginising ang katotohanan.


Sigaw ngunit di madidinig
ng sino man.
Pagkat sa puso'y kinulong
at sa mata'y mamamasdan.
Mula sa usok na sinamyo
at sa musikang kalaguyo.
Higit pa sa isipang lumayo
at sa gilid ng bangin tumayo.

1 comment:

  1. musika ng puso mo? medyo ligalig ang awit mo kaibigan. (--,)

    ReplyDelete