Matamlay ang limang pirasong parisukat
ng bakuran.
Sa bigay na usok ng hanging pikit-matang
lumalayo.
At sa kumpas ng walang alam,
ay halakhak ang naaamoy sa mga bulaklak-
sa nagaapoy na batis.
Sa bawat natutuwid na sulok
nitong alipin ay walang naniniwala.
Sa malawak na kumot;
nakatago ang puting saranggola.
Lilipad at tatanaw sa likhang-
walang malay.
Paligid ko ay makulay.
Paligid ko ay walang pantay.
Paligid ko namalas ang kanilang baraha.
At sa timpla kong kape maaamoy ang baho
ng aking kalamnang binaklas sa katotohanan.
Gustong gusto ko to pare. Keep it up, galing ng mga gawa mo. Mala-Hemingway sa detalye :)
ReplyDeletethanks pare....
ReplyDeletehihihi...