Thursday, December 24, 2009

SA TAGPONG ITO

alam kong masasaktan ka pag ako'y mamaalam.
hindi dahil sa hindi na kita mahal.
hindi yun. at alam kong alam mong hindi
maaari yun.ilang beses ko nang
nasilayan ang pagtulo ng iyong luha.
ilang beses na din tayong nagtalo.
iyon ay dahil hindi perpekto ang pag-ibig.
alam mo namang minahal ko na din ang lakas
ng iyong sampal at iyong pagmumura sakin.
at di din naman matatawaran ang tamis ng
iyong halik at ang paulit-ulit mong pagsasabi
na mahal mo ako.
at ngayong ako'y mamamaalam, hindi mo alam
kung gaano kasakit.
ihalintulad mo nalang ang bituing sumabog,
nalusaw at nawalan ng kapangyarihang kumindat
sa gabing malungkot. tulad ng bagong gising
na araw, niyakap at nalunod sa hamog ng umaga.



at sa aking paglisan ang bawat makikita'y tila
nagtatago sa likod ng manipis na ulap.
at sa bawat tunog na madidinig ay nakabibinging
katahimikan. dahil wala nang masilayang ikaw,
at sa pagkawala ng iyong tinig ay siyang pagtigil
ng musika sa aking paligid. walang init ang bawat
araw na daraan sa kaluluwang manhid, naninigas
sa lamig ng pag-iisa.



sa parteng ito, gusto ko sanang hawakan mo ang
aking kamay at ipamalas ang ganda ng iyong ngiti.
ipadama sa akin ang init ang iyong palad at iyong
kasiyahan. hanggang sa wala na akong maramdaman,
hanggang di ko na maabutan ang pagtulo ng iyong
luha.




dahil ang pinakamahirap sa tagpong ito...



sa aking pagpanaw...


ay ang iwan ka...

Thursday, November 12, 2009

3:01 HAPON, NAKADAPA

Nakadapa
habang
pinagmamasdan
ang kable
sa sahig.
Pati
mga langgam
na walang
pagod
sa paglalakbay.
Kable
Sahig
Langgam

Salita,
saan ka
nakaimbak?
Kanino?

BILOG NA SILID

Pumasok ako sa bilog na silid
at ang hirap pagpantayin ang
mga paa, tila nasa loob ka ng
isang bola. Nawalan
ng kapangyarihan ang mundo
na ang lahat ng bagay ay mahuhulog
kapag hinagis pataas. Matagal din
akong nagpaikot-ikot, alas 3:01
ng hapon nang ako'y nagpasyang
lumabas. At nagtatakang
hinagkan ang kuwadradong mundo.
Nalilito
Nabibingi
Natutulala


At hinawakan ko ang iyong
kamay na kasing lamig ng yelo.
Pareho tayong nakamasid sa
kalawakan na walang bituin,
at dahan-dahan tayong papasok
sa bilog na silid.

Saturday, November 7, 2009

TAKIPSILIM

Nagkulay apoy na ang kalawakan
at susuko na ang pinakahuling
sinag ng araw. Tahimik ang paligid
na tila sementeryo ng mga buhay.
Ang mga nilalang ay tila sabik
na salubungin ang napipintong
kadiliman. At ako, nandito
nakahimlay. Nagpapasalamat sa
isang araw na humalik sa aking
kamatayan.

NAPAKAGANDANG DILAG

Tahan na binibini
magandang dilag.
Hindi mahuhugasan ng
iyong pagtangis ang
duming kaniyang iniwan.
Hindi nararapat na sa
kanya'y tutulo yaong
luhang diyamante.
Sayang ang kinang
ng mapupungay mong
mga mata.
Sayang ang kislap
ng iyong mga ngipin
sa tuwing ngingiti.
Kaya tahan na binibini,
napakagandang dilag.

SA HARDIN

Sa isang hardin, nakikiisa siya
sa magaganda at mababangong
bulaklak. Nakatalikod,
hawak ng kaliwang kamay ang
matamlay na rosas.
Nakikisayaw ang buhok niyang
tila talon ng tintang itim
sa hangin.

Ang tikas ng kaniyang likod
na nakapatong sa mga hitang
nakahimlay sa damuhan.
Ang mahahaba niyang mga binti
na kay sarap lamasin.
Kung maaari lang sana
siya'y hawakan.

Dadamhin ko ang kaniyang
makikinis na mga binti
sa pamamagitan ng aking palad.
Aamuyin ko ang kaniyang buhok.
Yayakapin ko na rin
ang kaniyang likod.

Kaming dalawa lang.
Kasama ang dinampot ng aking
isipan.
Pero...
Wala pa akong maisip
kung paano ko ihahambing ang
kaniyang ilong, dibdib, labi, mata.
Dahil siya'y nakakulong sa aking
imahinasyon.
Ayoko siyang humarap.
Ayoko siyang makilala.

Baka bumalik lang ako
sa nakaraan.

ANG ATING MUNDO

Patuloy na naglalakbay ang gunita
sa sulok ng imahinasyong walang nakapinta
kundi isang malawak na palaisipan.
Papasukin at bubuuin ang nabasag na sagot
upang hindi iyon mabilanggo sa aking
kamalayang tulala sa nakaraan.


Ang lahat ng nakikita ay isang panaginip lang
at ang katotohanan ay nakahimlay sa
pagpikit, pagtakas sa reyalidad.
Walang kahulugan ang lahat,
walang kaugnayan,
walang parusa.


Walang mangyayari sa paghalik ng tuhod
sa lupang tigang. Sa pagbulong sa
rebultong nakangiti sayong pagtangis.
Imulat ang matang binulag ng kinagisnang
kahapon. Kung pagmamasdan ang bawat
piraso ng ulap, ikaw ang lumikha
ng kalawakan. At bago ka maging abo,
isumpa mo ang mundo, isumpa mo kaibigan.

KASAYSAYAN

Sa hubad na imaheng
pininta gamit ang lihim
na panungkit mabubunyag


ang tinagong letra;inuod
at bumaho. Yayakapin ng
hangin at tutulungang


ialsa. Sabay na lilipad
at tanging ilong lang ng
sinumpa ang makakaamoy.


Mahuhulog ang mga matang
binulag ng isang libong
pilak. At ikukulong sa


nakaraan ang kaluluwang
umindayog sa kalansing
ng sentimo.

Sunday, October 25, 2009

AKING PAMAMAALAM

Kapag dumating ang oras ng aking
pamamaalam.
Huwag hayaang dampian ng sariling
luha yaong iyong pisngi.
Huwag kang iiyak.
Dahil hindi nito patitibukin
muli ang tahimik kong puso.
Dahil hindi nito mabubuksan
ang pagod kong mata.
Dahil hindi nito mailalabas
ang laman ng aking utak.
Tama...
Ganiyan nga.
Walang dapat ikalungkot.


Kapag dumating ang oras ng aking
pamamaalam.
Huwag mo akong titigan,
na parang ika'y naaawa.
Sunugin mo agad itong katawang mortal.
Uulitin ko, walang luhang
dapat na masayang.
Dahil hindi ko naman mararamdaman
ang iyong pagdamay.
Walang mga gintong salita ang
dapat pang ibulong.
Dahil hindi ko din naman iyon
madidinig.
Walang bulaklak na dapat pang ialay.
Hindi ko din naman iyon makikita.
Isaboy ang aking abo sa dagat ng Onay.
Ganun lang kadali.
Ganun lang.
Wala nang seremonya, o pagtitipon.
At sa iyong paglalakad palayo,
tanging bakas lang ng iyong paa ang iwan.
Mahahalikan ko iyon sa tuwing aalon.
Hanggang sa pareho itong maglaho.

Kapag dumating ang oras na iyon.
Bakit kailangang malungkot?

Saturday, October 17, 2009

ISANG GABI

Isang gabi kasama ang natatanging anino,
aninong likha ng buwang nakamasid
at kaniyang liwanag ay sa aki'y umaangkin.
Sa dako roon ay puno ng Narra
siya'y tahimik na nakahimlay at ugat
ay malaya sa lupang binasa ng pagtangis.
At doon lumuha ang Anggat Dam at
sa kaniyang pagpunas ng mata'y napangiti
sa luhang kumikinang na tila
diyamanteng hinagis ng nakakuyom
ang mga palad.
Doon banda sumuka ang Laguna Bay.
Doon naman ay tila isang ilog ng
lupa na umaawit
habang naguunahan sa pagbaba
sa bundok ng Benguet.
At doon ang Pateros ay kumaway.
Doon din ang tulay-na-bato ay lumabas
ang sipon.
Dito naglakad ng mahinhin si Ondoy
dito naman tumakbo
si Pepeng.
At sa taas ay payapang nakapinta
ang buwan
walang bituing nais sumilip at
tingnan ang napakaganda kong mundo.
Sa aking tabi ay sariling kamay.
Ako.
At sila.
Silang di na makakasama sa pakikibaka.
Silang di na makakasimba sa Quiapo.
Silang di na maiinom ang natirang gin.
Silang maralita.
Silang matanda may hawak pang rosaryo,
batang nakantot na
o birhen pa.
Silang matambok ang bulsa dahil sa dami
ng perang papel na basa.
Silang sa kanilang sasakyang makintab
nung nakaraang araw ay kawangis
na ng kanilang dugong sumanib
sa putik.
Silang may ginto't pera
ay kapareho lang pala kung humimlay
sa nagpapataya ng jueteng
at namumulot ng basura sa banda doon.
Silang di na manginginig sa lamig ng hamog
bukas ng umaga.
At bukas paggising ko
ako'y maglalakad palayo at
aalisin ang putik ng isang gabing
ako ay natuwa sa aming kahangalan
kasama ang natatanging anino.

Wednesday, October 14, 2009

ISIP-BATA

Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Unti-unting
gumuguhit ang buong paligid sa kaniyang isipan.
Nadadama niya ang sakit ng sugat sa kaliwang paa. Nalalasahan
ang lansa ng sariling dugo na dahan-dahang umaagos
mula sa kaniyang ulo. Humahapdi ang mata niya sa tuwing nadaraanan
ng sariling dugo.
Nakaunat ang parehong paa, habang nakaupo at nakatali ang katawan
sa isang poste. Halos madinig ang sunod-sunod na kabog ng kaniyang
dibdib dahil sa sobrang tahimik ng lugar, payapa, maaliwalas.
Pilitin man niyang tumayo ay di niya magawa dahil sa sobrang
sakit ng sugat niya sa paa. Limang pulgada pababa sa tuhod, nakausli ang buto
nitong hati.



Ilang sandali pa'y may nadinig siyang yapak.
"Sino ka? Pakawalan mo ko dito." sabi niya. Pero parang
wala itong nadinig.
Lumapit ito sa kanya.
Hinimas ang paa nitong may sugat.
Mula binti, pababa...
Patungo sa sugat.
Pagdating sa pakay nito ay pinitik-pitik nito ang butong tila
isang liwanag ng proxima centauri na nais makalaya.
"Wag naman oh." pagmamakaawa niya. Tumulo na ang luha nito sa wakas,
at sumanib iyon sa malamig niyang pawis.
Tila na siya ng tinik nang tumayo ito at naglakad palayo.
Umiikot ang kaniyang paningin...
Tila gustong magtalik ang pareho niyang talukap.
At dahan-dahang naglaho sa kaniyang paningin ang buong paligid.



Kung ganito nalang sana.
Kung maaari lang sanang di na siya magising.



Nadinig na naman niya ang mga yapak. Lumapit ito sa kaniya.
May dalang martilyo at apat na pulgadang pako. Nakatayo ito sa harapan
niya.
Inalsa ang kamay na may hawak na pako at tinapat sa paa niyang may sugat
at nakausling buto.
Wala siyang magawa kundi titigan nalang ito.
Hinulog nito ang pako, sa tuhod iyon bumagsak.
Pinulot nito ang pako. Tinaas at sinubukan ulit ihulog sa tapat
ng sugat. Sa pagkakataong iyun nasapul na ito.
Di pa natatapos ang drama ng matandang lalake ng bumagsak
mula sa taas ang martilyo, sapul ang nakausling buto nito at
tumalsik ang maliliit na piraso ng buto at dugo sa sahig.
Tila musika sa tenga nito ang hagulhol ng matandang lalake. Naupo
ito sa tabi niya, pinagmasdan ang kaniyang mukhang naghalo
ang luha, pawis at dugo.
Animo'y batang tuwang-tuwa sa panonood ng spongebob.



Tumigil ang paghagulhol ng matandang lalake. Tumahimik ang buong paligid.
Tila tumigil ang oras ng mga sandaling iyun.
Kahit ilang segundo ay nakadama ng katahimikan ang dalawa.
Ilang sandali pa, gamit ang martilyo ay hinambalos nito nang pagkalakas-lakas
ang sugat niya. At pinalo, pinalo nang pinalo hanggang sa magkaluray-luray.
Tumayo ito at naglakad paalis.
Maya-maya ay bumalik itong may dalang pliers.
Kung ang iba ay nananalanging humaba pa ang buhay, kabaliktaran naman
ang nasa utak niya.
Gusto niyang magwakas na iyon sa isang iglap.
Hinawakan nito ang kaniyang panga at wala pilit binuka ang kaniyang bibig.
Wala ng natitirang lakas para pigilan ito.
Inipit nito ang harapan niyang ngipin gamit ang pliers, parang alambreng
pilit pinuputol, hinuhugot.
Naputol iyon, tumulo ang laway na may halong dugo.
Lumipat sa katabing ngipin, inipit, inuga-uga hanggang sa mabunot.
Parang baboy na kinakatay kung makasigaw siya. Kasabay ng pagbukas
ng pinto.



"Tapusin mo na nga yan, at diba sabi ko sa kusina mo gawin yan?"
sabi ng babaeng kakapasok lang.
Halos di nito makilala ang pagmumukha ng matandang lalake
dahil sa duguan nitong mukha.
Ilang sandali pa ay kinuha nito ang apat na pulgadang pako at martilyo.
Tinapat ang pako sa ulo niya, at pinukpok.
Bumaon.



Masaya silang kumain.
"Tinapon ko na yung kahapon, payat yun eh, buti to malaman."
sabi ng babae. Hindi ito kumibo.
Tumayo ang babae at naglakad patungo sa kusina para kumuha ng tubig.
Tila may napansin siya.
Piraso ng daliri mula sa matandang lalake. May singsing iyung suot.
Dinampot, at pinagmasdan.
Tila bumalik ang ala-ala niya sa nakaraan.
Bumalik siya sa hapag-kainan, kinuha ang natirang ulam at tinapon iyon
sa labas.
"Anak kantutin mo na nga ako." sabi ng babae habang pinipigilan
ang pagtulo ng luha.


*wakas*

Friday, August 28, 2009

TUBIG AT LANGIS

Para saan pa ang mga letrang
ilalatag sa bakanteng sulatan?
Kung di ito ang nais mong mabatid.
Hinugot mula sa kaibuturan
nitong puso-
utak ang nagsulsi.



Bihisan man ng magarbo itong salita
o diligan ng diyamante
ng paningin mo'y madakip.
Sana madamay na rin pati iyong puso.


Sana...


maaaring maghalo ang
tubig at langis.

Friday, August 21, 2009

KUNDIMAN

Kasasamyo palang ng hibla ng iyong buhok
sa isang iglap nahablot agad
ng hanging lapastangang hinawi.

Kaaaninag lang ng iyong mata'y
bigla itong liwanag nagdamot
ng kanyang kapangyarihan.

Sana kung sa isip ko'y nakitira
nawa'y pahintulutang di manamlay.

Sana kung sa puso man ay mahimlay
mamutawi nawa ang kahapon.

Sunday, August 16, 2009

PAMAMAALAM

Kailan masasamid sa bukas
yaong ngiti sa rurok pagdadalamhati?
Sa kinalimutang himig
ng tawang animo'y musikang kundiman.
Bakas ng kahapong kalungkuta'y
tila di mawawalay.
Sa nabaon nang pag-asang
gigising sa katauhan.
At sa tuluyang pamamaalam.
Kailan nga ba masasamid sa bukas
yaong ngiti sa rurok
ng pag-iisa?

Thursday, June 4, 2009

LIKHA

Eto na at ipapalipad
ipapalasap sa bawat
sisidlan ng kapangyarihan
ang namukadkad.


At tititigan
pag-iisipan
saka ibubunyag
ang tagong baho.


Bakit ka naririto
at inuubos ang buhangin
sa walang katotohanang
paglalakbay?


Ay! Ang iyong natatanaw
ay inagos lamang
dinala at pinalasap
para lamang magliyab.


Kung magwakas man
at maglaho lahat
kapares lang ng
sa akin, natupok.

Monday, May 25, 2009

MUSIKA

Indak; hatid
sa kaluluwang ligalig.
Ang isipan pinalaya
sa palikurang daigdig.
Pikit-matang sasalubungin
ang himig mula sa hangin.
Di hahayaang wakasan
halina't sa puso manahan.


Inalsa itong kanang kamay
kampay sa musikang taglay.
Pinayapa itong kamalayan
ginising ang katotohanan.


Sigaw ngunit di madidinig
ng sino man.
Pagkat sa puso'y kinulong
at sa mata'y mamamasdan.
Mula sa usok na sinamyo
at sa musikang kalaguyo.
Higit pa sa isipang lumayo
at sa gilid ng bangin tumayo.

Sunday, May 24, 2009

FOLK DANCE


An omnibus severe elegant of lightning
create a thousand pebbles that smell an agony.
For the tree that count terrible, bourgeois
for something cloud inside an omnipotent creation.
Vastness of three cubic silver, inside a separate glass
that boost all the charity of turning wheel.
The brightness of dim room with flower,
morbid, ancestor of primer in a blank bank.
Creator?
Call ambulance and post the vacancy of shadow.
Intelligence absurd, turned into a massive fog.
A clown with hat, crying for a finger holding ass.

Me...
You...
Are a sewing machine in a circular parabola,
hemisphere from universe, blackhole with
cockroach.

Call For Submissions - Philippine Speculative Fiction V

Details:

Editors Nikki Alfar and Vin Simbulan are now accepting submissions of short fiction pieces for consideration for the anthology "PHILIPPINE SPECULATIVE FICTION V".

Speculative fiction is the literature of wonder that spans the genres of fantasy, science fiction, horror and magic realism or falls into the cracks in-between.

1. Only works of speculative fiction will be considered for publication. As works of the imagination, the theme is open and free.

2. Stories must cater to an adult sensibility. However, if you have a Young Adult story that is particularly well-written, send it in.

3. Stories must be written in English.

4. Stories must be authored by Filipinos or those of Philippine ancestry.

5. Preference will be given to original unpublished stories, but previously published stories will also be considered. In the case of previously published material, kindly include the title of the publishing entity and the publication date. Kindly state also in your cover letter that you have the permission, if necessary, from the original publishing entity to republish your work.

6. First time authors are welcome to submit. In the first four volumes, we had a good mix of established and new authors. Good stories trump literary credentials anytime.

7. No multiple submissions. Each author may submit only one story for consideration.

8. Each story’s word count must be no fewer than 1,500 words and no more than 7,500 words.

9. All submissions must be in Rich Text Format (.rtf – save the document as .rft on your word processor) and attached to an email to this address: nikkialfar@gmail.com. Submissions received in any other format will be deleted, unread.

10. The subject of your email must read: PSF5 Submission: (title) (word count); where (title) is replaced by the title of your short story, without the parentheses, and (word count) is the word count of your story, without the parentheses. For example – PSF5 Submission: Meeting Makiling 4500.

11. All submissions must be accompanied by a cover letter that includes your name, brief bio, contact information, previous publications (if any). Introduce yourself.

12. Deadline for submissions is October 15, 2009. After that date, final choices will be made and letters of acceptance or regret sent out via email. Target publishing date is February 2010.

14. Compensation for selected stories will be 2 contributor’s copies of the published anthology as well as a share in aggregrate royalties.

Kindly help spread the word. Feel free to cut and paste or link to this on your blogs or e-groups.

Thanks,

Nikki Alfar

Vin Simbulan

Dean Francis Alfar

ALIPIN

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Tatlong palito ng posporo ang nasayang. Tatlong palitong hindi nagtagumpay sa pagkakasunog ng katawang kahoy dahil sa lakas ng hangin na lapastangang pumapasok sa bintana. At sa wakas, sa pang-apat nitong pagkiskis ay nagtagumpay din at dahan-dahang hinalikan ang kandilang nakapaloob sa isang baso upang hindi kaagad magwakas ang taglay nitong kapangyarihan. At sapat na upang masilayan ang dalawang nilalang ng malibog nitong liwanag. Ang paligid ay animo'y pinagkaitan ng sapat na ilaw at tila lampas ng kakaunti sa pagtatakipsilim ang matatanglaw. Naninilaw na madilim ang buong paligid ng silid. At tinatamaan ng maselang liwanag ng kandila ang dalawang nilalang na naliligo sa sarili nilang pawis.

Mapusok niyang nilalamon ang mga labi nito habang parehong nakatayo at tanging sariling balat lang ang saplot. Ang kaniyang kamay ay tila along humahampas at lumalamas sa batong nakakasagupa. Dahan-dahan niyang pinahiga iyon, animo'y babasaging bagay at dinilaan mula leeg at nag-iiwan ng laway sa bawat dinadaan ng kanyang dila papunta sa gitna ng dalawang malulusog na dibdib nito habang ang kanyang kamay ay ginapos ang kamay ng babae. Ang isang dibdib nito ay kanyang nilamon at parang sumisipsip ng talangka ng narating niya ang tuktok nito, habang ang kabilang dibdib ay nilalamas ng isa niyang kamay na tila halimaw na hayok sa laman.

Paglaya.

Katulad ng pagpapalaya sa mga salitang nakaimbak sa utak. Katulad ng pagbuga ng usok ng sigarilyo at marijuana. Kung gustong makatakas sa katotohanan at gustong ipahinga ang utak na tila usok na nagpupumiglas; isulat, ibuga. Kung nararamdaman ng kaluluwa ang libog; hayaang magkalat ng katas.

Dahan-dahang pumailalim hanggang sa marating nito ang gitnang bahagi ng katawan. Pinatigas ang bahagi ng kanyang katawan na panlasa at animo'y lihang kumikinis sa obra sa kanyang pagkakadila. At pakiramdam niya ay mapupunit ang kanyang anit sa pagkakasabunot ng kanyang alipin.

Alipin.

Alipin ng pintor ang mga kulay na nagbibigay buhay sa kanyang likha. Alipin ng makata ang lapis na naghahayag ng paliwanag sa masalimuot na palaisipan. Alipin ng eskultor ang pang-ukit na hahawi sa agiw na pilit tinatago ang isang rebultong obra upang ito'y makatakas.

Nasaan ang pag-ibig? Wala...

Walang pag-ibig.

Wala sa kulay kundi nasa pinta. Wala sa lapis kundi nasa tula. Wala sa pang-ukit kundi kung ano ang inukit.

Binuka niya ang dalawang paa na sagabal at lumuhod sa harapan ng pintuan ng babae. Kumatok. At nagpaubaya naman ito. Pinapasok ang panauhing sakim. Dinaig ng ungol ng babae ang galit na kalikasan. Ilang ulit ding nagpabalik-balik. Hanggang sa nararamdaman ng niya ang nalalapit na pagsambulat ng kaniyang katas.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Animo'y posporong pilit kinikiskis hanggang sa magliyab.

"Eto bayad. 450 diba? 400 lang muna, bukas nalang ang 50 para 500 lahat." sabi niya. Nagbihis. Kinuha ang posporo at iniwang nakahandusay at tila lantang gulay ang alipin.

Hindi niya ito mabubusog ng pag-ibig. Sapagkat ang pag-ibig ay para sa puso, hindi sa sikmura.

*WAKAS*

Saturday, May 23, 2009

MP3

Gimbal ng alapaap sa isang nilalang na naglalakbay ang ilong.
Kung ang katawang bakal ay kinalawang;
sadyang magpapantay ang utak at alikabok sa tanghaling
sinayang ng sangkatauhan.
Hindi ang alon ng hibla nitong alindog ng Maria,
hindi ang daliring nakapaloob sa isang matinding poot.
Kundi sa kanto ng mga yungib ng katangahan at kulangot,
magsilbing tula ang iyong kantang walang lihim.
Sa salaming nakatirik sa sementeryo ng mga buhay
naglalayag ang bangkang walang nakasakay,
kundi hanging nakatawa, nakapatay ng misteryo.
Sa iyong gandang dulot ng talulot upang masanay sa paghakbang,
upang masarap ang kalyo sa hinaharap,
upang mapanaginipan ang imahinasyong nagkukubli
sa masalimuot na palabas.
Kung magsusuri ng talampas ay makibagay sa bundok,
sa ilog ng wasak ang tenga,
sa bagsik ng inuming walang nilatag na baraha.
At aking ipapasok ang ari sa mahiwagang kuweba
upang matapos ang paghihirap ng kaluluwang
nakikibaka sa sistemang nilamon ng katangahan.

PANO AKO MAGSULAT NG TULA?

Hindi naman talaga ako mahilig gumawa ng "BLOG" na kung ano-ano ang pinagsasabi para lang may matalak...
Ang trip kong gawin eh ang gumawa ng mga tula at maiikling kuwento kung may pumasok na hangin na may dala ng matitinding impormasyon... (pag nakasinghot ng marijuana, dun naglalabasan lahat)
Ngayon nga eh wala ako masabi, wala naman kasi akong itatalak at mamamantsahan lang itong kuwarto ko sa walang sense na blog na ito...
Bakit ko ba ginawa to? Sa totoo lang di ko din alam...
Kakasinghot ko palang ng marijuana at sadyang kung ano-anong mga salita ang dapat na ilabas mula sa pagkakabaon sa aking utak...
Kasasabi ko palang na wala akong masabi, pero meron din naman pala. (putang ina ang gulo na ng utak ko)



Una, sa ilang araw na paglilibot ko sa mga site ng ibang bloggers eh nawiwindang ang aking pag-iisip...
Ibat-ibang trip, may nagtutula, may gumagawa ng maiikling kuwento, may kung ano-anong pa...
Nakakatuwang maglakbay dito sa mundo ng blogosphere...
Paki imagine nito...
Bakit pa tayo nagaaksaya ng oras sa pag susulat ng kung ano-ano?
Na di mo naman alam kong may nagbabasa...
Diba? Aksaya lang ng oras...
Kahit nga ako sana nagsusulat nalang ako ng tula o maikling kuwento, sapagkat ginawa ko tong blog para mashare ko sa iba (kung meron mang interesado, pero kung wala, wala akong paki)
ang aking mga akda...
Teka nawiwindang na naman ang utak ko... Naliligaw...



Wala na akong masabi, di ako sanay gumawa ng blog...
Eto nalang, paki try nalang nitong palagi kong ginagawa...
Una, bumili ng marijuana sa inyong lugar...
Tapos pag sabog ka na, kuha ka ng papel at lapis...
Tapos tumingin ka sa kawalan...
Tapos magsulat ka ng kung ano-ano...
Wag mong isipin kung maganda o may rhyme...
Basta sulat lang...
Para makagawa ka ng surreal or dada na tula...
Pagkatapos mong masulat eh ayusin mo ng konti...
Wag mong baguhin...
Tapos yun na... Isang obra...
Obra ng iyong subconsciousness... Yun lang po...
Wew...

Friday, May 22, 2009

PAMAYPAY

Kung sakaling maglibot ang panis na laway;
sa hinimay na bulok na pananalangin
ay tatangis sa kaibuturan ng banal na WALA.
Kung inyong pipigilan ang talukap na-
pagmasdan ang sumasayaw na basag na baso
sa gilid ng isang dahong matamlay,
ay siyang pagsukob ng kamalayan.
Kung susunod ka sa aking agos ay ililigaw,
patungo sa katotohanang hiwalay.
(hiwalay sa nakaraang pagsibol ng punyal)
Kung ang tawa mo ay siyang sasalungat
ay hayaang salubungin ito ng mapungay na mata;
ng hibla ng buhok na nakasabit sa pangil ng
malibog na dagundong.
Malaya na sa paglayo sa kinamulatan.
Malayang makakaligtas ang hiningang pinigil;
ng kanilang tradisyon.
Kung ang pag salungat sa buhos ng ulan ay pangako;
walang tubig na aagos sa tanghaling tapat.

Thursday, May 21, 2009

DADA DE DI DO DU

Sa kahong hangal ang nakakatitig; walang maaaninag na liwanag.

Walang makaalpas, walang madinig na singaw ng alapaap ng demonyong walang sungay ng ginto.

Sa isang tabi ng salaming basag ang kalahati; kuko ng sanggol.

Bihasa sa pagkuha ng damo na lumilipad at sa usok ay lulutang ang kabalyerong walang saplot at titinag sa pader ng kahangalan.

Hukay ng kalamnang walang atay na nakakulong sa palad ng isang birheng babaeng naka kurba ang ilong.

At sa pagkakasinghot ng mahiwagang ito; sasalubong ang angkan ng mandirigma.

At sa mata'y matatanaw ang batis na nagaalab, isang kubikong sipon.

Sa kanto ng dinadaanang sariling hukay ng kaluluwang ligaw sa espalto.

At bakit ang katangahan mo ang magdudulot ng pag ngiti?

PANAGINIP

Nagising...
Imumulat ang mga mata;
isang bulong ng hanging ligaw,
nakapuwing.

Naglakad...
Ihahakbang ang mga paa;
harang ng kamalasan,
nadapa.

Tumayo...

Saan tutungo?

Walang pupuntahan...
Walang masilungan...

Babalik sa dating kinalalagyan.

Matutulog...
Mananaginip...
Nakakalipad...

Sana'y nananaginip din ang aking kinamulatan...
Sana...

Tuesday, May 19, 2009

KATAPUSAN

Panibagong alindog ang nakalutang
sa kawalan, nagpakawala ng-
halimuyak ang senaryong walang kabuuan.
Sa isang hugot ng hanging tumakas;
maglalakad patungo sa kung saan ang
nais pasukin at sabay kampay ng malay.
Maningning na naman ang paligid,
at mahinhin ang balat sa pagdama
ng kalat at madidinig
ang labas na masalimuot.
Kung bakit di ko kayang lumampas
sa pintong gawa ng aking imahinasyon.
At sa pagkawala ng paningin,
walang nasilayan,
kundi sariling kahinaan.

Sunday, May 17, 2009

IKAW (alay kay miss elaine espina...)

Hindi ang iyong pagtanggap ang tanging
nakakapag pangiti sa aking puso.
Kundi ang paglisan ng poot sa iyong dibdib-
ng aking bitiwan ang nais.
Hindi mo man kaya na ako'y silungan
ng iyong pag-ibig.
Ngunit ang iyong pagdamay ay sapat
upang hindi mabasa.

Mahal kita mula sa hibla ng iyong buhok,
hanggang sa iyong talampakan.

Minamahal ko ang bawat ngiti ng iyong labi.
Minamahal ko ang mapupungay mong mga mata.
Minamahal ko ang iyong mga daliring minsang
dumampi sa aking ulo.
Minamahal ko ang iyong mumunting mga braso.
Mahal ko ang iyong buong pagkatao.

Mahirap tanggapin itong aking hiling
at alam ko naman na sa hangin lang din maipaparating.
Gusto ko lang naman na mailabas itong nadarama.
Kahit pa walang nakahimlay na pag-asa.

Ikaw ang batis na umaagos upang magpatuloy
itong aking bangka sa paglalakbay.
Ikaw itong hanging bumubulong sa-
bawat salitang isusulat.
Ikaw ang musika sa mga dahong naghahalikan.
Ikaw ang imahe ng larawan na sa puso'y
matagal nang nakaguhit.

Hindi ang iyong pagtanggap
ang aking nais iparating.
Hindi ang pagpapasilong
ang aking nais damhin.

Kundi ang pananatili mo sa pagiging IKAW...

Thursday, May 14, 2009

MARY JANE

Salamat sa hagupit; ulirat ay bumalik.

Sa angking bango at hagod; nagpalaya, tumalsik.

Salamat sa pagtulak; at hindi inaagiw itong sisidlan.

Sa aking pagpikit; iyong dinidilat itong silid.

Sa aking pag himlay; gising aking paligid.

Napa-ibig mo itong puso.

Utak ko ay iyong pinuno.

Salamat kaibigan sa iyong ganda.

Salamat sa dulot mong saya.

Sunday, May 10, 2009

KAPE

Matamlay ang limang pirasong parisukat

ng bakuran.

Sa bigay na usok ng hanging pikit-matang

lumalayo.

At sa kumpas ng walang alam,

ay halakhak ang naaamoy sa mga bulaklak-

sa nagaapoy na batis.

Sa bawat natutuwid na sulok

nitong alipin ay walang naniniwala.

Sa malawak na kumot;

nakatago ang puting saranggola.

Lilipad at tatanaw sa likhang-

walang malay.

Paligid ko ay makulay.

Paligid ko ay walang pantay.

Paligid ko namalas ang kanilang baraha.

At sa timpla kong kape maaamoy ang baho

ng aking kalamnang binaklas sa katotohanan.

Thursday, May 7, 2009

PARKE NIJAGA

Lilitaw sa parke Nijaga ng sandaling nagtilamsik itong marikit na de latang walang laman.

Hawak na himpapawid; bagkus walang lakas tumiwalag.

Kulay, linya, inidorong may kalyo, salitang nalanghap.

Kukong nakasabit sa espadang nakatirik sa tulay Jasmines.

Ngiti ay sukli, sampung pisong lagatik sa Calbayog Samar.

Nagsisilbing bola ay isang pirasong alikabok;

sa palad na butas.

Ililipad itong bilog na sandata,

sa pagpasok ng ulo sa eskenitang porselana ang puwet,

Sa tahanan ng ibong Adarna,

walang ngipin

walang ilong,

walang buhok.

Ang mata'y nasa sahig na may isang bubog na takip.

HINDI

Hindi sa inungkat nitong lalim ng lalim;

gamit punlang marupok, pawis lagatak.

Hindi sa nahuling dati'y malaya;

magsilbing kinang, sa katawa'y palamuti.

Hindi sa latag ng lirikong kaakit-akit,

susunod sa hangin, kung saan-saan liliwaliw.

Hindi ang susupil sa kamalayan;

lalamunin itong kaluluwa, dala ng iyong bulong.

Hindi ang katotohanan ang lahat;

hindi sasanib sa likuran ng tunay.

Hindi itong wala ang maglalaho;

lahat ay wala, ulap lamang ng iyong katotohanan.

Monday, May 4, 2009

AT LUMIPAD ANG PUTING UWAK

Sigaw ni JESUS ay sinulid na itim
na babakas sa buhawing may kurbang-
parisukat.
Kung kahit ang bubong duduyan sa esterong
may gulong na nakakabara sa lalamunan.
Ano ka ngayon?
Paglaruan ang uling na lilinis sa telang pinunas
sa pagmumukha, walang pawis.
Mas malakas ang bulong ni SATANAS
kesa sa sigaw mo.
Ang ininom ng hinukay na mga mata
ng sangkatauhan.
Hinugot ang kaluluwang sumasayaw-
sa kamalayan ng WALA naman.

Sunday, May 3, 2009

SA ILALIM NG IBABAW

Binalot ng sahig ang kandadong
kandila ng pintuan-
malapit sa bintana.
At bumuka ang lila na tumaob
sa mata ng lilim.
Bakit nawasak ang gintong bungo-
ni Socrates?
At nang lumiwanag ang sinukloban
ng sirang kamay ay siklab ng tangis sa baba.
Ginamit ang susing lubid
upang lumambot-
kapangyarihang umagos sa dila.
Pintuang dadaanan ng tatlong-
paa mula sa ulap na pinalungkot
ng dilaw na malibog na apoy.
Minalas ng matang nakapatong
sa ibabaw ng mesang walang talampakan.
Bakit winasak ang bungo-
para sa ginto ni Socrates?
Lulutang sa papel na aalingasaw,
sa walang paslit na liwanag.
Kung ihahagis ang luha-
kailangan ba ng palad upang masalo-
ang dalamhati?

PULA

Sa bahay ni ANO nakakulong-

isang kulay lipad, wala sa anyo.

Tigang sa kahit anong masabi,

at tawa ang itatapon sa salamin.

Buhok na alon wala pa din-

kung titingala ay malalamigan.

Isang kutsarang lumitaw sa utak-

at humakot ng nakakasilaw na lupa.

Saan na ang liko at sasanib pa ba?

Yumuko at apakan upang lumubog-

bahay ni ANO ay sunog

at walang laman kahit limang PULA.

Friday, May 1, 2009

KAHANGALAN LANG PALA

Kung pagmamasdan,

kaaya-aya.

Nakakawiling pakinggan.

Paano kung imahinasyon-

ang titingin?

Kung karunungan-

ang didinig?

Hindi ba't-

kagagawan lang ng tanga?

Hindi ba't-

pinagsisigawan lang ng hangal?

Thursday, April 30, 2009

ISANG PANGAKO


Sa ilalim ng isang malaking puno ay ang isang upuang kahoy. Katapat nito ay isang ilog na payapang umaagos at sa di kalayuan ay bundok kung saan mahimbing na natutulog ang araw tuwing takipsilim. Iba't-ibang uri ng kahoy at ibon ang nakatira sa lugar na ito. Animo'y isang munting paraiso. Iilan lang ang mahilig pumunta dito upang mamalas ang ganda ng lugar. Ang lugar na wari'y isang tulang buhay, ang lugar ng obra at sining.


Ilang oras nalang ang nalalabi at magtatakipsilim na. Kaya sa oras ding yun ay dumiretso siya sa lugar na yun. Ang lugar na malapit sa kanyang puso. Sa kanyang paglalakad papunta sa isang upuang kahoy na madalas niyang upuan ay may nakaupo roon, isang matandang babae. Pakiwari nya ay 60 na ang edad ng matanda. Kaya dumiretso siya doon at umupo sa tabi. Tinitigan nya ang matanda at tumingin din ito sa kanya at ngumiti. Siya naman ay walang pinakitang emosyon.

"Alam mo kung di ka lang ganyan kaputla, kung nasusuklay mo lang ang iyong buhok, at kung natulog ka lang kahapon, siguro kahawig mo siya." sabi ng matandang babae. Tinitigan nya lang ito at tila naguguluhan sa pinagsasabi nito. Magsasalita pa sana ang matanda ng biglang may parang imaheng nabuo sa kanilang harapan na tila isang malaking telebisyon. At meron itong pinapakitang senaryo. Di na nagsalita ang matanda at manghang pinanood ang nangyayari doon.


Lagi niyang nadadaanan ang lugar na iyon ngunit di niya magawang tumigil at magpahinga sapagkat bibihira lang ang taong naroroon. Isang araw habang papauwi na siya ay namataan nya ang isang lalakeng nakaupo sa isang upuang kahoy sa ilalim ng puno, tila malungkot kaya nilapitan niya ito.

"Pwede makiupo?" tanong nya sa lalake. Tinitigan lang siya nito at ngumiti. Umupo sya.

"Bakit ka malungkot?" nag-aalalang tanong niya sa lalake.

"Wala bang karapatan ang isang tao na makadama ng lungkot?" sabi ng lalake.

"Ang bobo mo naman, tinatanong kita kung ano ang dahilan ng iyong kalungkutan, hindi sa tinatanggalan kita ng karapatan para ipakita ang iyong pagkalungkot."

"Ang totoo'y di akoo bobo, matalino ako. Baka ikaw ang bobo." sabi ng lalake sabay titig sa kanya at pilyong ngumiti.

"Bobo? Hindi din. Matalino ako."

"At bakit ka naman naging matalino?"

"Dahil hindi ko hihintayin ang takipsilim para samahan ka dito."

"At kung sa akala mo'y pipigilan kita, nagkakamali ka. Pwede ka ng umalis." sabi ng lalake. Seryosong nakatingin sa ilog ng animo'y may lumulutang na mga diyamanteng kumikinang sa tuwing tinatamaan ng sinag ng araw.

"Sa sinabi mong yan-" tumingin siya sa mga mata ng lalake sabay ngiti. "Dyan ka naging bobo." sabi nya sa lalake. Napangiti na din ang lalake sa sinabi nya.

"Ano pangalan mo?" tanong ng lalake.

"Elaine, pero tinatawag nila akong Matet. Ikaw?"

"Nung bata pa ako, tuwang-tuwa silang tawagin akong Yang. Bryan pangalan ko. Hindi Yang."

"Ah ok. Yang." sabi nya sabay tawa.

Nawala ang kalungkutan ni Bryan ng mga sandaling yun. Naging masaya sila pareho. Marami silang napag-usapan. Sa ilang oras na yun ay nalaman nila ang kaarawan ng isa't-isa, ang paboritong pagkain, libro, pelikula at marami pa. Nakuwento din ni Elaine na magtatapos na siya sa pag-aaral. At si Bryan naman ay tumigil muna pansamantala pero ipagpapatuloy din nya ang pag-aaral. Tawanan, kuwentuhan. Sabay nilang pinagmasdan ang paglubog ng araw.


Umaawit ang mga ibong nagsasayawan sa himpapawid. Ang langit ay tila isang lugar kung saan naglalaban ang mga kulay. At unti-unting natatalo ang asul ng nag-aapoy na kulay. Ang kalangitan ay mistulang disyerto. Maninipis ang mga ulap nitong tila isang bulak na kinulayan ng mahinang pula sa tuwing tinatamaan ng maamong sikat ng araw.

"Napakasaya ng araw na yun." sabi ng matanda sa kanya. Pero wala siyang pinakitang emosyon, tinitigan niya ang matandang babae, masisilayan dito ang napaka amo ng mukha at ngiti sa labi nito.


Araw-araw ay binibisita niya si Bryan pagkatapos ng kaniyang klase. Nagdadala siya ng makakain para may mapagsaluhan. Nagkuwentuhan tungkol sa kani-kanilang pamilya. Ang mga kapatid at ama ni Bryan ay nasa ibang bansa at tanging ang ina nya lang ang kasa-kasama nya dito. Siya naman ay nagkuwento din na solong anak siya. Isang hapon habang nakaupo sila at pinapanood ang nalalapit na paglubog ng araw ay nagtapat na si Bryan.

"Mat." sabi ni Bryan sa kanya habang nakatingin sa malayo.

"Yang."

"Matagal na tayong magkaibigan, di ka ba nagsasawa?"

"Hindi."

"Ako sawa na." tinitigan siya nito.

"Alam mo gusto ko labi mo." sabi nya at dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mga labi sa labi ni Bryan. Hindi nila alam kung gaano katagal naglapat ang kanilang mga labi.


Tila sumasayaw ang mga dahong unti-unting nahuhulog mula sa kinakapitang mga puno, saliw ng musika na tanging kalikasan lang ang nakakatugtog. Dalawang nilalang na parang mga istatwa na tila obrang likha ng kaisipan. Tila bumalik sa pagkabata ang matandang babae habang pinagmamasdan ang senaryo ng kanyang nakaraan. Ang buhay ng tao ay tumatanda, nagwawakas. Tulad ng isang dahon, natutuyo at nawawalan ng lakas sa pagkakakapit sa puno. Ngunit ang laman ng puso at isipan ay hindi maglalaho.


Naging masaya ang mga araw na sila ay magkapiling. Halos siyam na buwan na din silang magkasintahan. Matatag ang kanilang pagmamahalan. Puro. Wagas. Napansin niya na habang tumatagal ay tila lalong nanghihina at lumulungkot si Bryan. Tila nawawalan na ito ng gana sa kanya. Pero nakikita niya sa mga matang yun na mahal na mahal siya nito.

"Magagawa mo bang maghintay kapag umalis ako?" malungkot na tanong ni Bryan.

"Aalis ka?"

"Pupunta kami ni Mama sa Amerika, pinapupunta kami ni Papa dun."

"Maghihintay ako." sabi niya. Pinipigilan ang pagtulo ng luha.

"Pagbalik ko may ibibigay akong tiyak magugustuhan mo." sabi ni Bryan, pinilit niyang ngumiti para mawala ang lungkot na kanilang nadarama. Ngumiti din siya.

"Pwede humingi ng pabor?" tanong ni Bryan. Tumingin ito sa mga mata nya.

"Ano yun?"

"Pwede payakap." sabi ni Bryan. Tumango siya at niyakap niya ito.

"Wag kang malulungkot kapag wala ako, dahil di mo alam kung gaano kasakit ang mamuhay ng wala ka. Pangako babalikan kita. Pangako yan." bulong ni Bryan sa kanya. Hindi siya makapagsalita. Alam ni Bryan na umiiyak ito.

"Mahal na mahal kita." yun ang huling salitang nadinig niya sa mga labi ni Bryan.


"Pero di na siya bumalik. Hinintay ko siya, araw-araw akong pumupunta dito, nagbabakasakaling bumalik pa siya at tuparin ang kanyang pangako." sabi ng matandang babae. Pinipigilang tumulo ang mga luha nitong nagbabadyang mahulog. At nagpatuloy sa pagsasalita.

"Pareho kaming 20 taon noon ng umalis siya. Ngayon ay 62 na ako. Halos 40 taon na din ang nakaraan. Pero eto padin ako. Naghihintay, sinasariwa ang lugar na minsang naging saksi sa aming pagmamahalan. Di ko siya malilimutan. Kahit na kinalimutan na niya ako at ang pangakong babalik siya." sabi ng matanda at pinanood ulit ang senaryo. Ang binatang lalake ay ganun pa din. Parang walang nadinig. Wala pa ding emosyong makikita sa kanya habang pinapanood ang mga pangyayari.


Sa isang Hospital sa Amerika ay naroroon si Bryan at nagpapagaling. Kaya di siya nakapag-aral ay dahil sa palubha ng palubha ang kanyang sakit. Habang nakahiga ay may kung anong bagay siyang hinahawakan sa kanyang kamay. Isang singsing. Paggaling niya ay tutuparin niya ang pangako sa kasintahan at yayayain ng kasal. Napangiti siya. Ngunit sadyang maramot ang kapalaran. Kinuyom nya ang singsing sa kanyang palad at unti-unting pinikit ang kanyang mga mata. Dahan-dahang umagos mula dito ang mga luha. At ang makinang may linyang nagpapakita ng tibok ng puso ay biglang tumuwid, hudyat ng pagwawakas ng kanyang buhay. Ngunit ang pagtigil ng tibok ng kanyang puso ay di nangahuhulugan ng pagwawakas ng kanyang pag-ibig sa sinisinta.


Unti-unting nawawala ang katiting na sikat ng araw na nagbibigay ng malungkot na liwanag sa buong paligid. Malamig ang hangin. Ang ilog ay payapa sa pag-agos. Ang mga ibon ay namamahinga sa sanga at tila nakikiramay sa kanila. Biglang naglaho ang mga imahe, tila salamin na nakalutang at nabasag. Tumayo ang binata at humarap sa nakaupong matandang babae. Hinawakan ang palad nito at binigay ang isang bagay na kanyang pinakaiingatan. Isang singsing. Hinalikan niya ito sa labi.

"Mahal na mahal kita Mat." bulong niya sa matandang babae at naglakad palayo.


At tutuparin ang pangako nito sa kanyang sinisinta...

WAKAS

Tuesday, April 28, 2009

SA ISANG PIRASONG SIGARILYO

Sisindihan, hihigupin upang madama

ang unang usok na sasakop.

Ipipikit ang mata sa sarap ng puting alikabok.

Ibubuga at mamalasin ang usok-

na tila isang obra.

Isang sining.

Maglalakbay, unti-unting maglalaho-

sa paningin.

Ngunit masasariwa ang bangong-

walang kapantay.

Hahawakan ang lapis at mamantsahan

ang malinis na papel.

Maglalakbay ang paningin at isipang tigang.

At sa bawat sayaw ng lapis,

ay lilikha ng isang madilim na mundo.

Mababasa ngunit ang kahulugan ay nakatago,

natatakpan.

At mag-iiwan ng palaisipan.

Itatapon ang abo at huling piraso-

ng sigarilyo,

na naghatid ng masarap ng hagod.

Ililigpit ang lapis-

na nagbigay ng isang likha.

ANG PAMANA NI AMA

Tila binabarena ang ulo ko sa sakit. Maghapon akong nakahiga sa sahig ng aming barong-barong na tahanan. Nakatingin sa bubong na tila tinadtad ng bala at malayang nagsusulputan kung saan-saan ang sinag ng araw. At sa tuwing uulan naman ay may nakaabang na lata ng sardinas na kinakalawang na, para saluhin ang mga tulo. Hawak ang lapis at kapirasong papel ay panakaw akong nagsusulat ng kung ano-ano. Hindi na ako pinag-aral ni Itay, dahil sa hirap ng buhay. Ang tanging pinagkukunan namin ng perang mabibili ng pagkain ay ang padyak na lumang-luma na sapagkat ito'y sa lolo ko pa at pinamana nya sa aking Itay. Kaming dalawa nalang ang natirang nakasilong sa munting bahay na ito, sapagkat iniwan kami ng aking ina noong bata pa ako. Nag-asawa ito ng iba, dahil sa hindi makayanan ang hirap. Ang dalawang kapatid ko namang babae ay may mga pamilya na din, bata pa ng mag-asawa. Di nakatapos sa pag-aaral.

Kung wala lang akong sakit, ako sana ang humahanap ng pera para sa makakain namin ng tatay kong lasenggo. Sigurado nakikipag-inuman na naman yun sa harap ng tindahan nina Aling Nena. Kaso di kinaya ng katawan ko ang init ng araw at lamig ng ulan. Sa may pilahan ng padyak sa may eskwelahan ako madalas pumila. At doon minsan ay sumasagi sa utak ko na gusto kong makapag-aral. Pero ayaw talaga ni Itay. Gusto nya ay magtrabaho ako. Dahil sa ang kinikita ko ay sapat lang sa aming makakain, sa alak niya, at sigarilyo.

"Juan bumangon ka diyan at magluto ka ng makakain." sigaw nya. Lasing na naman. May kaunting bigas pa naman, at asin. Kahit umiikot ang aking paningin dahil sa sakit ng ulo ko ay pinilit kong makatayo at makapagluto ng makakain.

"Bakit hindi ka nagpadyak?" tanong niya.

"Masakit po ulo ko eh."

"Pag minamalas ka nga naman." Sabi nya sabay higa. Nakatulog. Di naman siya ganyan dati. Dati ay nag-aaral pa kami nina ate, at si Itay naman ay namamasada ng padyak. Pero simula ng iwan kami ni inay at nabuntis ng wala sa oras ang dalawa kong kapatid at nakipagtanan ay bigla nalang siyang nagbago. Malas lang at sakin lahat nabaling ang kanyang sama ng loob.

"Itay kain na po." ginising ko na siya.

"Kumain ka na?"

"Di po ako gutom." sabi ko.

Nahiga nalang ako at pinagmasdan ang sinag ng araw na pumapasok sa mga butas ng aming bubong. Tinatanong ko minsan ang sarili ko kung kuntento na ba ako sa ganitong pamumuhay. Sa barong-barong nakatira, at halos wala ng makain. Pera nga talaga ang kailangan sa ngayon. Pera ang nagpapaikot sa mundo.

PERA...

Ang mapera ang makapangyarihan. Pero pera ba ang tunay na kasiyahan? Ano ang batayan sa tagumpay ng isang tao? Sa laki ng bahay? Sa antas ng kaalaman? Sa kapal ng bulsa? Pero para sakin eh kung gaano ka kasaya sa iyong naabot. Para sakin lang naman. Kailangan ang pera para mabuhay. Pero di naman siguro tama ang mabuhay para dito. At di lang naman pera angmakapagbibigay saya sa tao. Meron din naman kahit papaano nakapagpapasaya sa akin dito sa looban. Naron ang tuwing nakikita ko ang sanggol na panay ang tawa ni Aling Marta ay natutuwa ako. Sa tuwing nakikita ko ang mga batang naglalaro sa ulan at sa tuwing nasisilayan ko ang magandang anak ni Mang Tanoy ay napapangiti ako. At sa tuwing may nasusulat akong tula ay may kung anong ligaya sa puso ko. Pero ang nilalaman ng aking tula at mga kuwento ay pawang nakakulong sa isang palasyong walang bintana. Bintanang masisilayan at mamalas ang ganda ng mundo. Pagkat ang aking isipan ay nilamon ng kapaligirang madilim.

Saan ako kukuha ng mga salitang ilalagay sa tula na lilikha sa ganda ng pagbuka ng rosas, sa tahimik ng pagsikat at paglubog ng araw, sa sariwa at preskong hangin, sa mga berdeng dahon? Saan ako kukuha ng ideyang papasok sa aking utak upang maging makulay ang mga likha ko, kung sa tinitirhan ko ay walang makikitang rosas kundi mga baradong kanal, at mga basura. Kung di ko minsang inibig ang pagsikat ng araw dahil ito ang susunog sa aking balat sa tuwing namamasahe ako. Kung wala akong malanghap na sariwa at preskong hangin, kundi ang umaalingasaw na baho ng kubeta nina Ponyo at bundok na basura sa likod ng bahay namin. Pano susulat ng magandang tula kung ang naaabot ng mga mata ko ay ang pangit na kapaligiran.

Di ko namalayang nakatulog na pala ako at ginising ako ni Itay.

"Hoy nagsusulat ka na naman? Anong mangyayari sayo nyan? May lilitaw bang pera dyan pagkatapos?" galit na sabi nya.

"Sa pagpadyak po ba may mararating ako?" tanong ko. Di siya nagsalita.

"Hangang sa kanto lang nina Aling Nena, hanggang sa simbahan, sa palengke, sa bahay-bahay, sa kabilang kalye. Hanggang dun lang naman Itay eh. Dadalhin po ba ako ng mga gulong na yan sa aking pangarap?" tanong ko. Di ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. Bigla nalang tumayo si Itay at lumabas ng bahay.

Makalipas ang anim ng buwan....

Naunahan ko sa paggising ang haring araw. Pumunta ako sa likod ng barong-barong namin. Umihi. Mahamog pero kita parin ang bundok ng basura. At sa likod nun ay unti-unting sumisilip ang mumunting sikat ng araw.

"Hoy Juan wag kang kukupad-kupad dyan, bilisan mo na at bombahin mo yung gulong ng padyak." sigaw ni Itay.

Naligo....

Nagbihis...

Nagbomba ng gulong....

"Itay aalis na ako." nagpaalam na ko sabay pedal ng aking padyak patungo sa eskwela... Papasok...

Patungo sa pangarap...

PAG-IBIG

Ang pag-ibig-

ay tinta ng panulat,

na magmamantsa-

sa bakanteng puso.

Na guguhitan-

ng imahe ng sinisinta,

at susulatan -

ng salitang nadarama.

ATEISMO


Tawagin mo na akong hangal,

kung sabihin kong walang DIYOS.

Wag lang ang salitang DEMONYO-

ayon sayong kasulatan.

Walang DIYOS!

Walang DEMONYO!

Buhusan mo man ako ng mahiwagang tubig,

o itapat mo man sakin ang taong nasa krus.

Ang utak ko ay patuloy sa paglipad,

at hininga ko ay di mapapatid.

Ang huwad na akala mo'y katotohanan ay wala,

kundi pinagtagpi-tagping elementong gawa-

at tinahi ng mortal.

Ang gawaing kabutihan para sa kanya,

at para maligtas ang kaluluwa sa nag-aapoy na lawa-

ay kahangalan.

Ito'y isang pakitang tao.

Kung ito'y naaayon sayong pagkatao,

at di labag sayong puso.

Ito ay isang gawain ng tao.

Tawagin mo na akong hangal,

wag lang DEMONYO.

Kung ang paniniwala ko ay labag sayo.

UTAK AT PUSO

Nakakulong, hindi makawala.

Ang aking utak hindi makagala.

Nasaan ang mga salitang-

kanina lang ay nagpapaubaya.

Tila isang bangungot sa umaga,

hindi naman tulog, agaw hininga.

Pipikit at pipiliting lumitaw,

mga salitang lunod, wala sa ibabaw.

Ilang oras nakatingin sa kawalan.

Nag-iisip ng pangungusap na ilalaan.

Upang ang kuwento, tula, ay makalaya-

na sa utak ko ay kulong, gustong kumawala.

Sadyang mahirap kung likha ay pinipilit,

pagkat utak ay dudugo, imahinasyon ay maiipit.

Tulad ngayon, tulang pag-ibig sana ang isusulat-

ngunit tila hirap ang puso, at ito ang bumakat.

Sa pagsulat pala di lang bulong ng utak-

ang pinakikinggan.

Kundi pati sigaw ng puso-

ay dapat maramdaman.

SAYONG PAGLISAN (para kay JOAN BAILLO)

Sayong paglisan ako'y di malulungkot.

Di mahahati ang puso kong minsang inalay.

Sapagkat ikaw ay lalaya, hanggang sa di na maabot.

At sa kinatatayuan, ako'y hihimlay.

Sayong paglisan iwanan ang dungis ng nakaraan.

At sa paglipad magsilbing pakpak dating kasiyahan.

Itong huling tula para sayo, ika'y iduduyan.

Aking panalangin, ala-ala'y pakaingatan.

Sayong paglisan nawa'y maging masaya.

Habang naninirahan sa puso ng iba.

Sayong paglisan tangi kong hiling.

Ako'y gisingin, sayong pagdating.

Sunday, March 29, 2009

LAPIS (sariling desisyon)

Isang araw ang aking sariling desisyon

ay naging isang lapis.

Kasabay nito ang pagkabura ng aking katauhan.

At may isang taong kinuha ang aking lapis

pagkat gustong mamatnugot at ako'y iguhit

ayon sa takbo ng kanyang utak.

Mula ulo hanggang paa.

Ginuhit nya aking mata. ilong, labi.

Ang aking kamay, braso.

PERPEKTO!!! sigaw nya habang nakaharap sa salamin.

At ako'y naging alipin ng kanyang pagkatao.

SILID

Bakit di mo lampasan ang linyang naglilimita sayo?

Takot na malunod sa lalim

ng dagat ng mahiwagang salita.

At takot na mabasag angn nakapalibot

na di nakikitang panangga.

Kalmadong nakahimlay sa silid

at nakaimbak ang talino at lakas.

Bakit di mo sisirin ang lalim ng dagat ng mahiwagang salita?

Upang mailabas ang talino?

At basagin ang mahiwagang panangga na simbolo ng pagmamataas,

ng makita ang tunay na mundo.

Huwag makuntento na ang pader lang ng iyong silid ang tanging nasisilayan ng iyong paningin, at naaabot ng iyong imahinasyon.

Saturday, March 28, 2009

TAKIPSILIM NG BUHAY NI BRYAN

Ako’y nakangiti habang nakahiga sa upuang semento. Ang inuupuan ako kapag lumalayas ako sa bahay nung bata pa ako sa tuwing pinapagalitan ako ng aking ina. Ang inuupuan ko sa tuwing aking hihigupin ang marijuanang nakapaloob sa sigarilyong tinanggalan ng tabako.
Ang upuan ng barkada. Ang upuang semento na ang katapat ay batis at bukirin kung saan natutulog ang haring araw.
Ang takipsilim…
Ngunit nabibilang lang sa isang kamay ang mahilig mag aksaya ng oras dito.


Pero eto na siguro ang huling beses na masisilayan ko ang pag lubog ng araw. Huling beses na madidinig ko ang maamong agos ng batis, at nagkakantahang mga ibon.
Ang huling beses na dadapo ang malamig at preskong hangin sa aking katawan. Ang huling beses na mahihimas ng aking balat ang puting sementong nakahimlay. Ang huling beses na sana’y malanghap ko ang usok ng marijuana sa aking kamay.

Ang huli…


Dalawampung taon na ang nakakalipas bago ko ulit nadampian at nakasama ang tahimik at mala-paraisong lugar na ito.

Ang isang tulad kong mahaba ang buhok na halos di nadampian ng shampoo ng ilang buwan, payat ngunit di naman yung tipong matataboy ng galit na hangin, tattoo na kulang na lang ay ang aking mga matang malalalim na parang hindi nakatulog ng ilang araw, ay sa kasamaang palad ay napabilang sa tinatawag nilang mga hangal na adik.

Walang kinagisnang ama at si nanay nalang ang tanging kasama na halos mamatay sa pag-aalala.
Hindi na ako nakatapos ng elementarya dahil sa kahirapan. Bata pa ako ng iwan kami ng tarantado kong ama. At sa lugar kung saan ang mga bahay ay parang tren na magkadikit-dikit at pinagtagpi-tagpi, mga makikipot na eskenita, ay ang lugar na kinalakihan ko na. Nasanay na ako ng gumigising palang ay nag uumpisa nang mag inuman sa tindahan nina aling Nena ang mga hayok sa alak. Nag kalat ang iba’t-ibang uri ng basura sa bawat eskenitang dadaanan.
Tila pabrikang pagawaan ng bata ang lugar na ito, dahil kahit san ka lumingon ay may mga batang madudungis.


Isang araw nagkayayaan ang barkada sa tambayan. Dala ang yosi, droga, at marijuana.
Mga 4:30 ng hapon. Panandaliang tatakasan muna namin ang mala impyernong looban. Malayong malayo ang lugar na ito. Dito sariwa ang hangin.
Tahimik…
Malinis…
At lagi naming dinadamayan ang paglubog ng araw habang lunod ang mga utak sa droga at marijuana.
Naglalaban ang kulay sa langit ngunit nanaig ang kulay ng nagbabagang ulap sa bughaw na langit.
Tila disyertong nagaapoy ang kalangitan.

Paraiso…

Nakapikit ako habang pinapakiramdaman ko ang hagod ng usok ng marijuana sa aking lalamunan at pagsalakay sa utalk ko.
Tila mga taong tinanggalan ng dila.
Walang nag iingay Lumilipad ang mga utak na nasakop ng mahiwagang usok.

Ilang sandali pa ay nadinig naming tumatakbo si Noelo.
“Pare sina Bogart nanggugulo na naman sa looban.” Sabi nya. Humahangos.

Tulad ng dati, sasabak na naman kami sa riot. Takbuhan papunta sa looban. Nagmamadaling nagtakbuhan para maabutan sina Bogart. Kanya-kanyang armas. Hawak ko ang kinakalawang na balisong. Mga sabog, epekto ng droga. Nakangisi habang nagtatakbuhan sa looban. Sa isang iglap ay isang putok ang umalingawngaw.
Tatlong lalakeng palapit samin. Dalawa may baril, isa kutsilyo.
Sa isang putok nayun sapul si Noelo. Tinutok ni Brem ang kanyang 39 na kinakalawang na din.
Pinutok …
Dahilan ng pagbulagta ng isa.
Parang mga pusang binihusan ng tubig ang dalawa. Kanya-kanyang takbuhan.

Nakita ko ang isang may kutsilyo. Lumiko sa isang eskenita.
Hinabol ko.
Nalilito ako sa dami ng taong mga tsismoso at tsismosa.
At epekto na din ng droga.
Umiikot paligid ko.
“Juan sa likod mo.” Sigaw ng isang bata.
Awtomatiko akong yumuko ngunit malas at inabot padin ang aking kanang braso.
Duguan ang damit ko at halos manhid ang aking kanang katawan sa sakit na gawa ng pagkakasaksak.
Ilang saglit pa ay tipong aatake uli sya. Ngunit biglang may umakap sa likod nya. Si Brem.
Di na ko nagaksaya ng oras. Buong lakas kong sinaksak sa tagiliran ang tarantado. Tila may demonyong sumanib sakin.
Di pa ako nakontento.
Hinugot ko ang duguang balisong na nakabaon sa kanyang tagiliran. Sabay baon sa may dakong dibdib, hugot, saksak sa tiyan, hugot, saksak ulit.
Hugot…
Saksak…
Hugot… Saksak…

Di ko mabilang kung ilang ulit nagpabalik-balik ang kinakalawang ko ng balisong sa kanyang sariwang kalamnan.
Napuno ng dugo ang paligid.
Bulagta sa maduming daanan at katawan ng tarantado. Humalo ang preskong dugo nito na nagkalat sa mabahong kanal na barado at sa maduming tubig na naimbak sa butas ng daanan.
Tahimik ang buong paligid.
Tulala ang mga taong iniwan namin ni Juval.


Diretso kami sa bahay nina Juval. Di nagtagal dumating sina Kevin at Jhanhel.
Humahangos.
“Di ko nahabol yung isa.” Sabi ni Kevin.
“Nakapatay ako.” Sabi ko.
Tumahimik bigla.
“Si Noelo nga pala dina umabot.” Sabi ni Jhanhel.
Yun lang ang mga salitang nabitawan namin. Tila may nakabantay sa amin at puputulan ng ulo kung sino man ang magkamaling magsalita.
Tahimik kaming apat. Blangko ang mga utak.





Umuwi na ako samin. Siguro naman ay tulog na si nanay.
“Saan ka galing?” pamilyar na boses ang aking nadinig habang dahan-dahan akong pumapasok.
Di ako umimik. Diretso na ako sa kwarto.
Iniwan kong umiiyak si nanay.


Puta ang sakit ng sugat ko, sabi ko sa isip ko. Kumuha ako ng yosi sabay sindi. Pinatugtog ang cd ng pagkalakas-lakas. Sabay higop ng sigarilyo at buga sa kawalan. Pinagmamasdan ko ang usok nito na tinatamaan ng sinag ng buwan na pangahas na pumasok sa bintana.
Blangko ang aking utak…
Tila tumakas sa aking katauhan ang mga emosyon. Ang tanging pumapasok sa matamlay kong utak ay ang ingay ng musika at ang obrang naguguhit ng usok na nagmumula sa sigarilyo. Hanggang sa di ko namalayan ang pagsuko ng aking mga mata.



Malakas na kalabog ang gumising sakin. Hawak ang balisong tumakbo ako papunta sa sala.
Mga parak.
Biglang tutok ng baril ng isang mataba ang tiyan na halatang umuuga ang tuhod. Ilang segundo lang ang lumipas ay nasa labas na ako at nakaposas.
Ang mga tsismosa naming mga kapitbahay ay parang mga langgam na nakakita ng asukal. Sa aking paglisan ay dinig ko ang pagtangis ng aking ina.


Nahatulan ako ng dalawampung taong pagkakabilanggo. Halos dalawang araw palang ako sa bilangguan ay nabalitaan kong pumanaw na ang aking ina. Pinasok daw sya sa bahay at walang pakundangang pinag sasaksak, hanggang sa malagutan ng hininga. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Tulala…
Di ko namalayang tumutulo na ang luha ko.
Di ko maipaliwanag ang aking emosyon.
Galit…
Awa…
Taka…
Nabalot ng kalungkutan ang seldang kinalalagyan ko.




Natutunan kong makisama sa kapwa ko preso. Madami din akong nakilala at nagging kaibigan.
Pare-pareho lang ang araw dito sa kulungan.
Minsan nakikipaglaro ako ng chess, basketbol, boxing.
Nalilibang ako. Minsan ay naiisip ko si ermat.

Di ko namalayan ang pagdaan ng mga taon…


Lumipas ang sampung taon…


Ganun pa rin…


Hanggang sa sumapit ang araw ng aking paglaya. Sa loob ng dalawampung taon ay makakalabas na din.
May kasiyahan akong nadarama. Kasiyahan sa aking puso na di ko naramdaman dati.



Diretso na ako sa bahay naming. Parang haunted house. Sira ang pintuan at mga bintana. Walang mga naiwang gamit. Napaiyak ako bigla ng maalala ko ang aking ina.
Dumiretso na ako sa kwarto para ayusin.
Bukas na bukas din ay maghahanap ako ng trabaho. Magsisimula muli.
Bagong buhay…



Tila di ko pwedeng iwanan ang aking bisyo. Ang paglanghap sa usok ng ganja.
Pumunta ako sa bahay nina Joan para makahingi ng pang lutang.
“Uy putang ina Bryan laya ka na pla, tara inuman tayo.” Sabi nya.
“Bukas nalang pare kahit magdamagan pa tayo. Pahingi naman ng yosi dyan.” Sa bi ko sa kanya.


Binigyan nya ako ng isa. Alam na nya ang ibig kong sabihin na yosi. Yung tabakong pinalitan ng ganja sa loob ng sigarilyo. Sisindihan ko na sana ng bigla kong maalala ang tambayan.
Tamang-tama 4:30 na ng hapon. Malapit na mag takipsilim. Sa ganung oras masarap singhutin ang ganja at magpalutang lutang sa paraiso.




Habang nakatayo ako sa upuang semento ay nilanghap ko ang sariwang hangin. Naalala ko mga barkada ko, asan na kaya mga gagong yun? Sa isip ko.
Pinakinggan ko ang batis at sumasayaw na mga dahon.
“WOOOOOHHHHH!!!” napasigaw pa ako sa sobrang saya.
Ang saya-saya ko. Panibagong yugto ng aking buhay.
Kinuha ko na ang sigarilyo at lighter. Sabik na sabik ko na akong makalanghap ng usok ng marijuana.
Ng biglang may umalingawngaw na putok.
Sa isang putok nay un ay siyang dahilan ng paglipad ng mga ibong tahimik na nakadapo at nagpapahinga sa sanga.
Bigla kong naramdaman na tila may mainit na tubig na tumutulo sa aking likuran.
Dama ko ang sakit na tila sinaksakl at iniwan sa loob ang talim. Tumigil sandali ang paligid.
Pagtalikod ko ay nakita ko si Bogart
Ang nakatakas sa dalawang hinabol naming na kapatid ng napatay ko.
Halos dalawampung taon na.
Sinubukan kong tumakbo ngunit di ko maigalaw ang aking mga paa. Tila paralisado.
Humarap ako sa kanya. Kita ko ang puot sa kanyang mga mata. Pag hihiganti.
Dalawang magkasunod na putok ang kanyang pinakawalan na siyang tumama sa tiyan at dakong dibdib.
At naglakad palayo. Tila siguradong mamamatay na talaga ako.


Naramdaman kong tila namamanhid ang aking katawan.
Umiikot ang paligid.
Nawalan ako ng balanse. Umupo ako sa upuan ngunit di kinaya na aking katawan.
Humiga ako.
Tahimik ang buong paligid.
Mumunting tunog lang ng musika ng kalikasan ang tanging tinatanggap ng aking pandinig.
Ang magalang na pag-agos ng tubig sa batis.
Ang naghahalikang mga dahon ng puno sa tuwing dinadaanan ng hangin.
Ang mga ibong wari’y tumatangis.
Ang mga saksi sa pangyayari.


Dinig ko ang pilit na paghinga na may parang kung anong bagay ang sinuksok na siyang dahilan ng pagbara sa aking lalamunan.
Tila susuko na ang aking mga mata. Tila inaantok na ako at gusto ko ng matulog.
Magigising pa kaya ako? Sa isip ko.


Dama ko ang panlalamig ng buo kong katawan. Namamanhid.
Ang dating upuan ay nagsilbing higaan ko.
Ang dating puting kulay nito ay namantsahan na ng sarili kong dugo. Nararamdaman ko na ang pagbigat ng aking mga mata.
At hirap sa paghinga.
Nahulog mula sa aking mga kamay ang sigarilyong nabasa na ng aking dugo.
Di ko na malalanghap ang sarap ng usok nito.
Kaya pinagmasdan ko ang dakong bukirin kung saan humihimlay ang haring araw.


Tahimik…


Payapa ang paligid…


Pinilit kong idilat ang aking mga matang mabibigat na tila may nakabiting bato sa talukap nito.
At pinagmasdan ko ang unti-unting pagkawala ng pinakahuling liwanag ng araw.


At kasabay sa paglubog nito ang siyang pagpikit ng aking mga mata.
Ang takipsilim ng aking buhay.

Thursday, March 26, 2009

SAPATOS

Masaya ba?

Kumusta paglalakad?

Napuntuhan mo ba yung lugar na gusto mong puntahan ko?

At yung pagkaing pilit sinusubo sakin natikman mo ba?

Diba sabi ko puro bitag?

Bakit mo ko tinulak papunta dun?

Diba sabi ko may lason?

Bakit mo ko pinilit kainin yun?


Masaya ba?

Kumusta paglalakad-

suot sapatos ko...

Tuesday, March 24, 2009

TULA AT PAG-IBIG

At muling naglibot ang aking utak.

Hahanap ng salitang kaakit-akit.

Upang malatag... Iayos...

At tula ay makamit.

Para...

Maipahiwatig ang aking pag-ibig.

Sa isang dilag na naninirahan sa aking puso at isip.

Ngunit sadyang napakalupit ng tadhana.

Gusto kong nakawin ang kanyang pag-ibig,

na di laan sa akin.

At para mabuo itong inaasam na tula.

Ngunit...

Ang tula ay isang pag-ibig.

Di dapat ipilit.

Ngunit di dapat ikubli.

Ito'y darating at ipadama.

Pagkat...

Kung ang utak ay hangin,

ang tula ay kusang lilipad.

Kung ang puso ay karagatan,

ang pag-ibig ay kusang lulutang.

Saturday, March 21, 2009

SALITA

Ang huwad na gintong salita ay lasong nagpapanggap na bitamina.

Ito'y bulaklak na walang halimuyak.

Daanang payapa, at sa dulo'y bitag.

Ang salitang madungis ngunit makatotohanan.

Na kasing itim ng karbon ay tanggapin.

Sa paglipas ng panaho'y diyamante ay mapapansin.

Parang apoy na nakakapaso, ngunit nagbibigay liwanag.

At susunog sa tulay na marupok.

Ang gantimpala sayong hubad na salita.

Ay pagtanggap ng sampung kidlat na tutupok sa posas ng kahinaan.

Ang tutunaw ng tingga sa aking puso.

JOAN

Hindi pa minsan nakasulat ng isang tula.

Tulang alay ko sa aking sinisinta.

Pagkat di ko alam kung saan kukuha ng mga salita.

Salitang maghahambing sa kanyang pagkakalikha.

Pano ko masusulat ang init ng kanyang yakap?

At maihahambing na para bang ako'y nasa alapaap.

Kung ni minsa'y di pa naangkin,

ang katawan mong nais himasin.

Pano ko masusulat ang samyo ng kanyang hininga.

At maihahambing sa mahinhing hangin ng umaga.

Kung ni minsa'y di pa nadampian,

ang labi nyang nais mahagkan.

Pagkat libong sinulid aming pagitan.

Ngunit tiyak kong pag-ibig nya ay katotohanan.

Ang tanging masusulat-

ay ang kanyang wagas na pag-ibig.

At kailanma'y di mahahambing buong yaman ng daigdig.

Katawan mo man ay di maangkin.

Labi mo man ay di mahagkan.

Hangga't sa dulo ng sinulid si JOAN nandyan.

Ay pagtitibayin itong pag-iibigan.

Balang-araw kami ay magsasama at mananatili aking pag-ibig magpakailanman.

PERFECT SCULPTURE


Your body is a paradise…

I want it to explore…

To smell…

Your scent is like a perfume spread in a rain forest of Amazon…

Its seductive…

Its fragile like a dry leaf…

And when the moon is superior than the sun…

And when the light from it touch your body…

Your lovely as a statue of Goddess…

Your a perfect masterpiece I’ve ever seen…

Please welcome me to your wonderland…

Let me in…

Let our love take us to East of Eden…

Lets merge into one…

And let the moon be our witness…

Friday, March 20, 2009

DEATH MARCH NG NAG ROROSARYONG MGA BULAG

Sa prosisyon ba ika'y napasama na?

Sunod-sunuran sa kaalaman ng nasa unahan.

Ikaw na parang isang hangal na nag-iintay kung saan liliko.

Ang binabagtas ba ng linya ng mga nagmamarunong ang dapat mong tahakin?

Makipag-siksikan sa kumpol ng mga taong nagpapaka-dalubhasa.

At sa tradisyon ikaw ay bilanggo.

Kaduwaga'y kumalat na sa sang-katauhan.

Ang sariling karunungan ang dapat magsilbing gabay.

Sariling desisyon ang dapat maghari.

Iwasan ang kumpol ng kahangalan.

Sundan ang lubid na nakatali sayong puso.

SIGAW

Tinanggalan ng piring sa mata,

at ang timbanga'y kumikiling

sa bandang kaliwa.

Eto ba ang hustisya?

Pera ang may kapangyarihan

sa larong eleksyon.

Pulitikong sakim sa yaman.

Pinagsilbiha'y salat sa bigas.

Eto ba ang pulitika?

Sistemang inuuod na bulok,

at naaagnas na hayop.

Mga taong nabuhay para sa pera.

Mga aktibistang di pansin

ang sigaw.

Eto ba ang Pilipinas?

REBOLUSYON!!!

ANG USOK AT SINULID

Hayaang kumawala ang

hayok na usok.

Paglakbayin...

Ipaubaya sa masunuring kamay

na itama ang buhol na sinulid.

Ang usok susunod sa ihip

ng hangin.

At walang butas na di mapapasok.

Upang maayos ang sinulid,

at maayos ang sirang tela

ng may akda.

Mapuputol ng salitang huwad

ang matamlay na sinulid.

Ngunit hindi kayang masinghot-

ang lalim ng usok.

Malulunod...

BATIS

Maglalakbay...
Ang batis ng karunungan
dumadaloy.
Magmamasid...
Magmamatyag sa lawak
ng dagat.
Magigimbal...
Matatakot
sa dambuhalang alon.
Hindi mapapansin
ang agos ng aking likha.
Pagkat nalulunod
sa lalim ng dagat.
At tinataboy
ng makasariling alon.
Magugunaw...
Ang batis ng karunungan
matutuyo.
Matutuyo...

HIRAM


Huwag gamitin ang ningning

para makasilaw

sa mata.

Bagkus gamitin upang

makapag-bigay liwanag

sa nagbubulag-bulagan.

Huwag kang mapagmataas...

Buwan...

Ang sinag mo-

ay hiram lang sa araw.